Theo's POVIsang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko nang makita ko ang gulat na reaksiyon ni Samantha nang mga sandaling iyon.Bagamat inaasahan kong magkikita kami ngayong araw dahil sa pagtanggap niya sa offer ko ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na sa wakas ay maghaharap kaming muli.I couldn't believe that for the second time, magiging boss niya ako at magiging empleyado ko siya.Truly, history repeats itself. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako papayag na sa pangalawang paglalapit namin ay mapalayo pa siyang muli sa akin. I'll make sure na kapag tuluyan ko na siyang nakuha mula kay Karlo, I'll put a ring on her finger. Hindi kalaunan ay nabali ang titigan naming iyon nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ericka, ang branch manager ng DigiComics. "Mr. Buendia, these are all the digital artists that you contacted since last month," aniya na agad kong ikinatango. "I conducted an orientation with them twenty minutes ago about the company's
Terakhir Diperbarui : 2025-07-28 Baca selengkapnya