Theo's POV "Welcome to our company," wika ni Aljulmi matapos naming bumaba ng kotse. "This is your new home." Mataman kong pinagmasdan ang kabuuan ng building ng DigiComics Company. Hindi iyon kalakihan katulad ng kompanya namin at hindi rin ganoon kataas. Sakto lamang iyon para sa akin. Mas makabubuti nga kaysa naman halos abutin ako ng ilang minuto sa pag-iikot, makamusta ko lang ang mga empleyado namin. Bukod sa simple iyon ay napangiti ako nang makita ko ang logo ng DigiComics sa pinakagitna at pinakataas ng building. It's cute, though. Maybe it's Aljulmi's girlfriend or whatever. "Siyangapala," aniya nang tuluyan na kaming pumasok sa looban. "Bukod sa opisina ay meron na ring dalawang kwarto rito - para sa akin at para sa 'yo. Kumpleto na rin ang gamit sa loob niyon. May kusina, may living room, may cr. at lahat-lahat ng kakailanganin natin." Pagak akong natawa. "Hindi halatang nag-o-overtime ka sa trabaho, 'no? May kwarto talaga!" Humagalpak siya. "Aba, syempre!
Terakhir Diperbarui : 2025-07-25 Baca selengkapnya