Theo's POV"What?" kunot-noong tanong ko. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya. "You heard me, Theo. Kung ayaw mong malagay sa panganib ang mga mahal mo sa buhay, you're going to do as I say. Madali lang naman. Iyon ay kung gugustuhin mo lang naman. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo."Hindi ako umimik sa mga sandaling iyon bagkus ay nag-iwas ako ng tingin. Napaisip ako at inisa-isa ang mga bagay na binanggit niya sa akin kanina. Muli ay binalingan ko siya ng tingin kung saan ay nananatili pa rin siyang nakatayo sa likuran ni Neo. Hawak niya ang kanyang baril habang nakatuon ang atensyon sa akin at tila ba hinihintay ang magiging sagot ko."Seryoso ka?" naniningkit ang mga mata kong anas. "You want to...take everything?"Mapakla siyang natawa. "Mukha ba 'kong nagbibiro? Pagdating sa ganitong mga bagay, sa tingin mo, magbibiro ako? Kulang pa nga eh! Dapat sana pati buhay mo kukunin ko, pero kahit paano ay may konsiderasyon naman ako.""Nababaliw ka na ba?" bulalas ko. "
Last Updated : 2025-08-10 Read more