Samantha's POV"Dr. Leandro Smith, cardiologist," anas ko sa sarili ko habang binabasa ko ang nakasulat na pangalan sa contact card na hawak ko. Matapos niyon ay tinapunan ko ng tingin ang binata na sa mga sandaling iyon ay nakangiting nakapamulsa sa harapan namin. Bahagya ko siyang nginitian habang siya namang ay hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa akin. Kadalasan ay inis na inis ako kay Theo sa tuwing pinuputol niya ang pakikipag-usap ko sa kahit na sino, lalong-lalo na pagdating sa mga lalaki. But this time, gusto kong istorbohin niya ako. Gusto kong hilahin niya ako paalis sa harapan ng lalaking ito. It's not that I don't like him, dahil kung tutuusin ay mukha naman siyang maayos at matinong lalaki. Pero dahil sa ginawa sa akin ni Karlo ay nagkaroon na ng lamat ang pagtitiwala ko sa kahit na sinong gustong makipagkilala sa akin. Tanging sina Theo at Neo lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko ngayon. Mahirap na rin dahil baka magkataon na maulit ang nangyari noon. "So, what
Terakhir Diperbarui : 2025-09-01 Baca selengkapnya