Home / Romance / His Dangerous Desire / Chapter 209 Weird or Being Mature?

Share

Chapter 209 Weird or Being Mature?

Author: zeharilim
last update Last Updated: 2025-09-02 19:16:48

Theo's POV

"Anyway, parang ang weird mo yata ngayon!" maya-maya'y sambit ni Neo nang matapos naming iligpit ang mga pinag-inuman namin.

"Weird?" Salubong ang kilay kong baling sa kanya. "Bakit? What makes me weird?"

Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya at saglit na napaisip. Maya-maya ay pabagsak niyang inihiga ang sarili niya sa couch at hinarap ako.

"Nakapagtataka lang kasi. Kung noon na simpleng damit lang ang suot ni tita Samantha ay halos ayaw mo na siyang palabasin. Bakit parang nabaligtad yata ngayon? Kung kailang mas revealing ang suot niya, hindi kayo nagtalo."

Hindi ako sumagot bagkus ay natawa na lamang ako sa sinabi niyang iyon.

Wala naman talaga akong balak na palabasin siya at ayaw kong ini-expose niya ang katawan niya na para lamang sa paningin ko.

I don't want any man to look at her the way I do.

Pero sa mga sandaling ito ay hahayaan ko na muna siya. It's our anniversary, after all. Ayaw kong mag-away kami at ayaw kong ikulong ko lamang siya sa loob ng k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Dangerous Desire   Chapter 299

    Samantha's POVIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko matapos ang ilang minutong iginugol ko sa pagsasabi ng katotohanan kay Theo.Sa puntong iyon ay nakaupo lamang siya roon na hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa akin. Bukod pa roon ay kita ko ang hindi maipintang reaksiyon sa kanyang mukha. Salubong ang kanyang dalawang kilay at mayroong tanda ng pagtataka.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon.Gusto kong tumayo mula sa kamang kinaroroonan ko o di kaya ay magtalukbong nalang dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. I had no idea kung ano ang tumatakbo sa utak ni Theo at kung ano man iyon ay ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya tungkol doon."I know what you feel," mahina kong sambit na tila ba ako lang ang nakarinig. "Hindi ako magrereklamo sa kung ano man 'yang nararamdaman mo ngayon dahil sa pagsisinungaling ko sa 'yo. Just tell me if you're mad or you hate me. Tatanggapin ko 'yon dahil deserve ko

  • His Dangerous Desire   Chapter 298

    Theo's POVNamilog ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor.Tila ba nanghina ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay nawalan ako ng balanse. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay napakapit ako kay Neo.Muli ay tinapunan ko ng tingin ang doktor na sa puntong iyon ay patuloy pa rin sa pagpapaliwanag sa sitwasyon ni Samantha. But my mind couldn't comprehend what I am feeling right now.Halo-halo ang mga nararamdaman ko at tila ba wala akong naririnig kundi ang utak ko na nagsisisigaw sa mga sandaling iyon."She's pregnant," bulalas ni Neo pagkaalis ng doktor. "She's pregnant! Magkakaanak na kayo. Narinig mo ba 'yon?"Marahan akong tumango. "Yeah, I did. Malinaw na malinaw sa 'kin ang mga narinig ko…""What?" ani Neo na ikinatitig ko sa kanya. "Bakit parang iba ang reaksiyon mo sa inaasahan ko? Hindi ba't gustong-gusto mo na magkaanak na kayo? You want it more than her, right? Wag mong sabihin na nagbago ang isip mo?"

  • His Dangerous Desire   Chapter 297

    Samantha's POVNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko.It was Theo.Nakaupo siya sa gilid ng couch habang nakangiti siyang pinagmamasdan ako. Hula ko na kararating lang niya dahil nakasuot pa siya ng pang-opisina niyang damit.Sa kabilang banda naman ay hindi ko akalain na nakatulog pala ako rito sa couch. Bago pa man kasi umalis si Alya ay talagang antok na antok na ako. Sa natatandaan ko ay balak ko sanang pumunta sa kwarto upang doon matulog ngunit hindi iyon ang inaasahan ko.Nabaling ang tingin ko sa orasan.It's 6:30 pm. So, I've been sleeping for almost two hours.Pinangakuan ko pa man din si Theo na ipagluluto ko siya ng dinner. Akmang babangon na ako ay siya namang paghiga ni Theo sa tabi ko kung kaya't agad akong natigil. Hanggang sa hindi nagtagal ay wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan siya nang isubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko ganoon din nang ikorner niya ako sa kanyang mga b

  • His Dangerous Desire   Chapter 296

    Third Person's POVAgad na umangat ang dalawang kilay ni Vince nang mabasa niya ang mga nakasulat sa notebook na nakapatong sa coffeetable.- bridal shoes and gown- groom's suit and shoes- venue- bride's bouquet- pre-meal food and dinner with dessert- hair and makeupNgunit bukod sa mga nakalistang iyon ay mayroon ding mga developed photos na nakakalat sa coffeetable na mas lalong nagpatameme sa kanya.Akmang dadamputin niya na iyon upang rekisahin ay natigil siya nang lumabas mula sa kusina si Ms. L. Ngiting-ngiti ito at ramdam din niya ang hindi matatawarang saya nito sa mga oras na iyon. Kabaliktaran naman ang reaksiyon ni Vince kung saan ay kunot-noo siyang nakatitig sa huli habang hindi maalis sa kanyang isip ang pagtataka."Mukha yatang ang saya-saya niyo ngayon. Anong meron?" bungad niyang tanong na ikinatigil nito.Tinapunan siya nito ng tingin. "Nandito ka na pala. Kanina ka pa ba? Pasensya ka

  • His Dangerous Desire   Chapter 295

    Theo's POV"Kung gusto mo 'kong kausapin dahil gusto mo pang idiin ang mga nagawa ko sa 'yo, sige lang. Tatanggapin ko ang mga masasakit na salitang ibabato mo sa 'kin. Hindi ako magrereklamo," blangko ang reaksiyon niyang pahayag.Hindi ako umimik bagkus ay tinapunan ko lamang siya ng tingin.Ngunit imbes na pahabain ko pa ang katahimikang iyon ay napagdesisyunan ko na ring agad na putulin iyon.Humugot ako ng isang malalim na hininga."I don't want to stay mad at you," pagsisimula ko na ikinatigil niya. "Ayaw kong dumating sa punto itong sitwasyon natin na huli na para sa 'tin ang magkaayos. However, hindi ko pa rin mapigilan ang hindi makaramdam ng inis sa ginawa mong pagsisinungaling sa 'kin. I feel betrayed and fooled, you know?"Marahan siyang tumango. "Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo. Ang totoo nga niyan ay nagsisisi ako sa ginawa ko. I have a lot of what-ifs on my mind. Sana hindi ko nalang sinabi sa 'yo ang totoo at sa

  • His Dangerous Desire   Chapter 294

    Samantha's POV"Ano? Kamusta ka na?" tanong sa akin ni Alya habang nagtitimpla ng kape. "How about Theo? Wala ba siyang napapansin sa 'yo na kakaiba? Your cravings or your morning sickness?"Umiling ako. "Fortunately, parang normal lang naman ang lahat. Pero ayaw kong makampante dahil si Theo 'yon."She laughed as she turned to me. Right after she sip her coffee, umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko sa dinner table."Right. He's kind of a jerk sometimes. Pero hindi maitatanggi na magaling siyang bumasa ng sitwasyon." Humugot siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Hula ko nga ay nahawaan siya no'ng magaling niyang pamangkin na si Neo."Natawa ako sa sinabi niyang iyon.Paanong hindi sila magkakahawaan na dalawa?Noon pa man ay hindi na sila mapaghiwalay. Bukod pa roon ay talagang malapit sila sa isa't-isa to the point na kung minsan ay napagkakamalan silang magkapatid.Minsan pa nga ay mag-ama.Pero sa ngayon ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status