Nakatitig siya sa kanilang mga nadaraanan sa labas ng bintana. Medyo masakit talaga ang paa niya. Mabuti na lang at mayroong extra flats na dala si Callum dito sa sasakyan. Umuwi raw ito para kumuha ng flats kung sakaling manakit daw ang paa niya.Oh, ‘di ba? Sinong hindi lalong mahuhulog sa katulad ng lalaking ito na sobrang thoughtful? Ipagpapasalamat niya na talaga sa kahit sinong santo ang pagdating ni Callum sa kanyang buhay.Gwapo, mayaman, loyal, masungit sa iba, at hindi mahilig makipag-inuman sa mga barkada sa labas. Whole package! At may sick pack abs pang kasama! Kahit sino maglalaway sa lalaking kasama niya ngayon.“Do you want to sleep?” biglang basag ni Callum sa katahimikan. “You can rest. I’ll wake you up with you get there.”“Ayos lang ako,” mahinang sagot niya. “Ikaw nga dapat ang magpahinga, e. If you want, I’ll drive. Galing ka pa sa ospital tapos may lakad pa tayo. Pwede namang ipagpabukas na lang ‘to, e.”Gusto niyang makita ang hill, okay? Ngunit nakokonsensya s
Read more