Killian Nicolaj Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Claudette habang pinapanuod niya sa monitor ng security room ang CCTV footage kahapon. At habang tumatagal ang video, para akong unti-unting ibinabaon sa lupa. “Ayan na, ayan ka na…” natatawang bulong ni Claudette, nakangiti habang pinipindot ang remote ng playback. “O, tingnan mo ’to oh. Para kang action star.” “Claudette…” seryoso kong sambit, hawak ang sentido ko. “Please. That’s enough.” “Nope,” sagot niya, nakataas ang isang kilay. “This is gold.” At doon, nakita ko ang sarili ko sa monitor — galit na galit, kagigising lang, nakasando at disheveled pa ang buhok ko. Lumalabas ng pinto, halos sinisigawan ang mga tauhan sa labas. “Nasaan si Claudette?! Sinong nakakita sa kanya?! I-review lahat ng camera! Buksan lahat ng gates!” Napapikit ako. Oh my God. “Wait for it…” mahinang halakhak ni Claudette. Kasunod noon ay nakita ang eksenang lumapit ako sa may driver’s quarters, hinila pa ang radio ng isa sa mga gwardya. “Kung hindi ni
Last Updated : 2025-06-30 Read more