Umarte si Don Rafael na tila ba pinagsakluban siya ng langit at lupa habang nakakulong sa loob ng isang malamig na detention cell. Nakaupo siya sa sulok ng selda, nakasapo ang isang kamay sa dibdib habang paulit-ulit na umuungol na tila hirap na hirap sa paghinga.“Guard! Guard!” sigaw ng isa sa mga kasamang detainee, habang lumalapit sa rehas. “’Yung matanda! Parang inaatake na sa puso!”Agad na nagdatingan ang mga bantay. Tumakbo ang isa sa kanila papasok, habang ang isa ay tinawagan ang in-house medic ng presinto. Nang buksan ang selda, tumumba sa sahig si Don Rafael, nangingisay, nilalaro ang sariling dila, at pilit inaabot ang dibdib.“Sir, huwag kang gagalaw. Dito ka lang. Relax. Parating na ang nurse,” saad ng isang officer, habang sinusubukan siyang pasandalin sa dingding.Ang totoo, wala ni kaunting sakit ang nararamdaman ng matanda. Mula’t sapul ay plinano na niya ang lahat. Kilala niya ang sistema. At sa tagal ng pananatili niya sa kapangyarihan at impluwensiya, alam niya k
Last Updated : 2025-07-16 Read more