Naalala ni Theodore noon, tuwing kikirot ang paa niya ay agaran na darating ang asawa niya kapag tatawagin niya. Tatakbo ito na may bitbit na pouch para tulungan s'ya. Sumikip ang dibdib niya dahil natanto niya na matagal na itong umalis sa mansyon. Tagaktak ang pawis, lukot ang mukha, saglit siyang gumapang at binuhos ang buong pwersa upang tumayo. Lumalala ang tumutusok na kirot sa kanyang binti at wala s'yang magawa kundi tawagin si Jaspher doon sa children's playground sa kabilang silid. Subalit, hindi nito pinansin. Mabuti'y nakita s'ya ng dumaan na katulong, nagulat ito at sinugod siya. Tarantang sumugod din si Scarlet sa tabi niya at nanginginig na inaalalayan siyang umupo sa sofa. "O-Okay ka lang ba, Theo? Is it serious? Gusto mo dadalhin kita ng hospital?" Tila binuhusan siya ng sandamakmak na hiya at nairita s'ya. "No need," nagyeyelo n'yang tugon. Saka inutusan niya ang katulong. "Go, get that sachet of medicine in my jade box. Magpakulo ka ng tubig at timap
Last Updated : 2025-07-17 Read more