CHERRY (6 YEARS AGO) "Hmm, you're five months pregnant, but your belly is too big for it," saad ng doctor habang nakatingin sa monitor. "May problema po ba sa baby ko?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sa mga nakalipas na linggo ay laging masama ang pakiramdam ko, kaya naman na pagdesisyonan ko nang magpa-check up ulit, para lang makasiguro na ayos si baby. Nung nakaraan linggo lang ay nag bleeding ako, buti na lang ay na obserbahan agad ako ng obgyn ko. "Actually no, your baby seems to be doing fine...but the thing is, I'm seeing suspicious things hiding behind your baby," saad ng doctor na maslalo kong ikinabahala. "Ano po iyon, doc? Magiging okay lang po ba ang baby ko?" naluluha kong tanong sa kanya. "Calm down, I'm just having a theory that you're having twins," ika niya na ikinagulat ko. "But as you can see, baby B is hiding behind baby A. That's why I can't confirm if you really have twins or not. Balik ka nalang next checkup, and let's see kung mag papakita na si Baby B
Huling Na-update : 2025-07-21 Magbasa pa