Mabigat ang pakiramdam ko habang sinisilid ko sa maleta ang huling gamit na kaya kong dalhin. Inilibot ko ang paningin ko sa huling pagkakataon sa buong bahay na kinagisnan ko. Bahay-ampunan ito, at masakit itong iwan, pero alam kong kailangan. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng lugar kung saan ako halos dalawampu’t tatlong taon na nanirahan.Hindi ko maiwasang maalala noong bata pa ako, gustong-gusto kong umalis sa lugar na ito. Pangarap ko noon na may umampon sa akin, kahit mahirap o mayaman, basta buong puso akong sasama. Hindi ako nawalan ng pag-asa, pero nagbago ang lahat pagdating ng legal kong edad. Wala pa ring nag-aampon sa akin. Minsan napapaisip ako kung bakit.Mabait naman ako, maganda naman ako, pero bakit? Bakit ayaw nila sa akin?Napangiti ako nang mapait.Kung dati ay sabik akong umalis sa lugar na ito, ngayon halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Ang hirap pala umalis sa isang lugar na itinuring mong tahanan."Mag-iingat ka roon, anak," sabi ni Mother Theresa haban
Last Updated : 2025-06-17 Read more