Noami grew up in the quiet comfort of the orphanage, raised by nuns and surrounded by children who, like her, were longing for a family they never had. She had long accepted that the four walls of the orphanage would be her home for the rest of her life. But fate had other plans. Her peaceful world shifted the moment a stranger came looking for someone else—her twin sister, who had been adopted years ago and now lay in a hospital bed, unable to wake. In a desperate plea, the woman who adopted her twin begged Noami for a favor only a sister could give: take her place. Pretend to be her. Marry the man she was supposed to wed. And just like that, Noami became Mrs. Arvenze. The wife of a doctor she didn’t even know. A substitute in a marriage that was never meant for her.
View MoreMabigat ang pakiramdam ko habang sinisilid ko sa maleta ang huling gamit na kaya kong dalhin. Inilibot ko ang paningin ko sa huling pagkakataon sa buong bahay na kinagisnan ko. Bahay-ampunan ito, at masakit itong iwan, pero alam kong kailangan. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng lugar kung saan ako halos dalawampu’t tatlong taon na nanirahan.
Hindi ko maiwasang maalala noong bata pa ako, gustong-gusto kong umalis sa lugar na ito. Pangarap ko noon na may umampon sa akin, kahit mahirap o mayaman, basta buong puso akong sasama. Hindi ako nawalan ng pag-asa, pero nagbago ang lahat pagdating ng legal kong edad. Wala pa ring nag-aampon sa akin. Minsan napapaisip ako kung bakit.
Mabait naman ako, maganda naman ako, pero bakit? Bakit ayaw nila sa akin?
Napangiti ako nang mapait.
Kung dati ay sabik akong umalis sa lugar na ito, ngayon halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Ang hirap pala umalis sa isang lugar na itinuring mong tahanan.
"Mag-iingat ka roon, anak," sabi ni Mother Theresa habang yakap ako nang mahigpit.
Kagat ko ang ibabang labi ko para hindi ako maiyak.
"Opo, Mother Theresa. Kayo rin po, mag-iingat ha. Huwag na po kayong maging dragon kapag nagagalit. Tumatanda na po kayo, hindi na maganda sa inyo ang laging galit. Sige po kayo, madadagdagan ang kulubot niyo," biro ko habang pinipigilan ang luha.
Si Mother Theresa na yata ang pinakatinuring kong ina sa loob ng apat na sulok ng bahay-ampunan.
"Ikaw talagang bata ka. Sige na't baka mahuli ka sa biyahe."
Ramdam ko ang lungkot sa boses niya, kahit ilang beses na naming napag-usapan ang pag-alis kong ito.
"Babalik po ako rito kapag naayos ko na ang lahat. Huwag po kayong mag-alala sa akin."
"Mag-aalala talaga ako, Noami. Ngayon ka lang mawawalay sa paningin ko, sa amin."
Napangiti ako kahit namumuo ang luha sa mga mata ko.
"Mauna na po ako, Mother Theresa."
Pinilit kong maging magaan ang bawat hakbang paalis.
Halos isa’t kalahating oras bago ako makarating sa Maynila. Pagdating sa airport, inilibot ko ang paningin ko. Ngayon lang ako nakaalis at nakalabas nang mag-isa mula sa ampunan. Kung dati nakakagala man ako, doon lang din sa baryo kasama ang mga madre. Ngayon, hindi ko akalaing darating ang araw na maglalakbay akong mag-isa, at malayo pa.
"Miss Noami."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Hindi ko naiwasang mapatitig sa lalaking matipuno sa harap ko.
"Ako si James, pinadala ako ng mag-asawang Montoya para sunduin ka," sabi niya.
Nagdadalawang-isip pa ako noong una, pero nang ilabas niya ang larawan ng mag-asawang Montoya, saka lang ako nakahinga nang maluwag. Nasa isip ko pa rin ang bilin ng mga madre, lalo na ni Mother Theresa, na huwag agad magtitiwala.
Kinuha niya ang bagahe ko, tumango at sumenyas na sumunod ako sa kanya palabas.
Habang naglalakad kami, pinagmasdan ko ang likod niya. Matangkad siya at matipuno, sobrang pormal pa ng suot niya. Itim na tuxedo.
"James, secret agent ka ba? I mean, look at your suit. Ganyan yung mga napapanood ko sa TV."
Tumaas ang sulok ng labi niya.
"Masyado ka sigurong nanonood ng mga palabas, Miss Noami. Nasobrahan ata."
"Wag mo na akong tawaging Miss. Noami na lang. Hindi ako sanay. Saka, hindi ka ba naiinitan, James?" tanong ko pa. Mainit kasi sa suot niyang tuxedo.
Umiling lang siya at pinaandar na ang kotse. Tahimik kaming dalawa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang haba ng biyahe.
Nagising ako sa isang tapik sa balikat. Pagdilat ko, tumambad sa harap ko ang isang malaking bahay. Literal na napanganga ako habang iniikot ang paningin sa mansyon. Labas pa lang ang ganda na, paano pa kaya sa loob?
Hindi ako makapaniwalang dito nakatira ang kapatid kong si Normani.
Binuksan ni James ang pinto at inalalayan akong pumasok sa bahay. Kabado ako habang lumalakad papasok. Pagbukas ng pinto, agad kong nakita ang malaking hagdanan at chandelier sa gitna.
"Finally, you're here!"
Nilingon ko ang tinig ng isang ginang. Nakaupo siya sa magarang sofa, katabi ang isang matandang lalaki. Ilang beses akong lumunok para itago ang kaba, lalo na nang mapansin kong napapatigil ang mga kasambahay sa paggalaw habang nakatingin sa akin.
"Have a seat, iha," utos ng matandang lalaki na sa tantiya ko ay nasa mid-fifties.
Wala na akong nagawa kundi lumapit at umupo sa harapan nila. Lumingon ako kay James na tumayo lang sa tabi ko.
"Magandang gabi po," bati ko sabay pilit ngiti.
"Sa’yo rin, iha. Alam mo, kung hindi kita kilala, mapagkakamalan kitang si Normani. You look exactly the same," sabi ng ginang na abot-tainga ang ngiti.
Totoo naman ang sinabi niya. Alam ko yun. Para talaga kaming salamin ng isa’t isa ng kakambal ko.
Ang kaharap ko ngayon ay ang mga umampon sa kapatid ko, ang mag-asawang Montoya. Mayayaman sila at mataas ang estado sa buhay. Kaya ganoon na lang ang saya ko noon nang malaman kong sa kanila mapupunta si Normani.
Dahil mabibili ko na ang mga gusto ko at mabibigyan ako ng mga bagay na hindi ko naranasan sa loob ng bahay-ampunan. Hindi ko makalimutan noon, nalungkot din ako dahil magkakahiwalay kami. Sa ampunan kami lumaki ng kakambal ko. Sabi ni Mother Theresa, iniwan daw kami sa harap ng simbahan noong baby pa lang kami kaya hindi namin kilala ang totoong mga magulang namin.
Malakas akong napabuntonghininga nang maalala ko ang gabi ng paghihiwalay namin ni Normani.
"Noami, aalis na ako. Mag-iingat ka rito," sabi sa akin ni Normani habang magkayakap kami at umiiyak. Pitong taon lang kami noon.
"Okay lang ako, magiging ayos lang ako. Ikaw ang mag-iingat doon, Normani," sagot ko sa kanya.
"Wag ka mag-alala, Noa. Papadalhan kita ng madaming dolls at dresses. Kapag pinayagan ako, lagi kitang bibisitahin. Walang magbabago, okay?" ngumiti siya kahit may luha sa mga mata.
Ayaw ko man siyang mawalay sa akin, pero hindi ko kayang ipagdamot sa kanya 'yung buhay na alam kong magpapasaya sa kanya. Ang totoo, ayaw pa niyang sumama noon. Ako pa ang pumilit sa kanya.
"Let's go, Normani!" sigaw ng babaeng aampon sa kanya. Bago siya sumakay sa kotse, may binulong siya sa akin.
"Lagi akong kakampi mo, Noa, hanggang sa susunod nating pagkikita."
"Siguro kilala mo na si James? Siya ang kinuha ko para bantayan at turuan ka sa mga gagawin mo. He'll be your private guard," sabi ng matandang lalaki. Tumango lang ako.
"This is the folder with information about Normani. You can still read it, but I already sent it to James. He will simply tell you. You have one day to prepare yourself, Noami—or should I say, Normani?" nakangiting wika ng babae.
Hindi ako nakasagot. Masakit sa dibdib, pero alam kong kailangan ko itong gawin.
"Mabait na bata, basta sundin mo lang kami, magkakasundo tayo. You'll get a scholar. Hindi ba hindi ka pa nakapagkolehiyo?"
Tumango ako.
"Wag po kayong mag-alala. Gagawin ko po ito para sa kakambal ko. Hindi ko ho kayo bibiguin."
Sandali akong natigilan. "Pwede ko po ba siyang makita?"
Nagkatinginan silang mag-asawa. Tumango ang lalaki.
"Sure, iha. Umakyat ka sa itaas. James, pakisamahan siya."
Tahimik kaming umakyat ni James sa isang kwarto.
Kinakabahan akong humakbang papasok. Malaki at maaliwalas ang silid. Mabango rin. Ramdam kong nasa likod ko lang si James.
Napatigil ako sa kama sa gilid. Napanganga ako nang makita ko si Normani.
Hindi ko napigilang lumuha. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa gilid ng kama. Hinawakan ko ang kamay niya.
Ang daming tubo sa katawan niya. May mga aparatong nakapaligid sa kanya.
"N-Normani... ang daya mo. After sixteen years na hindi tayo nagkita, ngayon ka pa matatagpuan na ganito. Ang daya mo," bulong ko habang umiiyak.
Kung hindi lang gumagalaw ang dibdib niya, aakalain kong wala na siya.
"Miss na miss kita, Normani. Alam mo ba, natanggap ko lahat ng dolls at dresses na pinapadala mo noon. Iningatan ko 'yon. Kaso kahit gusto ko pa silang suotin, hindi na kasya," natatawa akong nagsalita kahit tuloy ang luha.
"Huwag kang magagalit ha? Ibinigay ko na 'yon sa mga bata sa ampunan bago ako umalis. Natuwa sila, Normani."
Hinawakan ko ang kamay niya nang mas mahigpit, umaasang gagalaw siya kahit konti.
"Bakit ka pa kasi nag-drive ng lasing? Kailan ka pa natutong uminom ha?" sermon ko kahit ang totoo, parang may bato sa dibdib ko.
"Balita ko may asawa ka na raw. Gwapo ba siya?" tanong ko habang hinihimas ang pisngi niya. "Ang ganda mo."
Natawa ako bigla. "Ay oo nga pala. Magkamukha nga tayo."
Halos kalahating oras ko siyang kinakausap. Kahit wala siyang sagot, hindi ako tumigil. Kwento lang ako nang kwento. Umaasa akong naririnig niya ako kahit papaano.
Si James naman, tahimik lang sa likod ko. Nakaupo. Pinapanood akong parang tanga na kinakausap ang tulog.
Sinulit ko ang bawat segundo. Dahil bukas, hindi na ako si Noami.
I will be Normani Arvenze—The wife of Dr. Fabior Alvenze.
Katatapos ko lang magpalit ng mga kurtina. Ngayon naman ay naglilinis ako ng sala nang makarinig ako ng nag-doorbell. Napatingin ako sa wall clock at mag-aalasingko na ng hapon. Umalis na si Fabio kaninang umaga, hindi rin naman siya nagtagal. Pagkababa niya, nakaayos na siya sa pang-opisina.Ni hindi nga siya nagpaalam na aalis na. Ni hindi ako tinapunan ng tingin.Wala man lang kahit 'Hoy, babae, aalis na ako.'Kaagad akong naglakad papunta sa pintuan para tingnan kung sino ang dumating. Siguradong hindi si Fabio iyon dahil hindi naman siya nagdo-doorbell."Hey. Good afternoon!" nakangiting bati sa akin ni James. Kaagad umaliwalas ang mukha ko at binuksan ko pa nang mas malaki ang pinto."Hi! Ano na'ng balita? Pasok ka," sabi ko habang iniimbitahan siya papasok.Gusto kong palakpakan ang sarili ko. Talagang feel na feel ko na ang bahay na 'to, ah? Umupo naman siya sa isang sofa at bahagyang inilibot ang paningin sa paligid."Gano'n pa rin ang lagay ni Normani. Wala pa namang bilin a
Tumambad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto, kaagad akong nabalot ng takot. Napabalikwas ako ng upo at maya-maya’y natawa na lang ako sa sarili dahil nakalimutan kong nasa bahay nga pala ako ng kapatid ko at ng asawa nito.Oh right. Hindi ako si Normani, ako nga pala si Noami.Nabuntong-hininga ako’t bumangon. Komportable naman ang tulog ko. At first, I thought that we will be in one room, but when I went up last night, the door was locked. Kaya naisip kong ayaw talagang makatabi ng lalaking iyon at gano’n na talaga ang set-up ng dalawa noon pa man.Then I looked for another room. Ayaw ko naman kasing sa sala matulog dahil paniguradong hindi rin ako makakatulog doon. At tama nga ang hinala ko. Nang pasukin ko ang isang kwarto katabi ng kwarto nito, nandoon ang mga damit ng kapatid ko.So hindi sila magkatabi ng tulugan? For what? Ano ba talagang nangyari sa dalawa at parang galit na galit si Fabio sa kapatid ko?Pagkatapos kong maligo, pumili ako ng isusuot para makababa na."Ano ba
"This is it! Wala ng atrasan ito!" Huminga muna ako nang malalim habang pinagmamasdan ko mula sa di kalayuan ang malaking bahay ng magiging asawa ko... asawa ng kapatid ko.Malaki ito para sa dalawang taong nakatira roon. Sabi ni James, walang mga katulong doon, kami lang ni Fabio ang nasa bahay na iyon. Noong una raw ay may mga katulong pero pinaalis ng kapatid ko. Iyon ang hindi ko maintindihan. Bakit niya gagawin iyon?Napaisip tuloy ako. Hindi kaya nabuburyo si Normani sa loob ng bahay na ito? Kawawa naman ang kapatid ko.Tinanguan ako ni James pagkababa ko ng kotse."Lagi mo lang tandaan ang mga sinabi ko, Miss Normani," madiin niyang binigkas ang pangalan.Suminghap ako at tumango. "S-Salamat, James."Sandali pa niya akong tiningnan bago siya umalis at iniwan ako roon. Iyon na ang hudyat para simulan ko ang plano.Kagabi pa lang ay inaral ko na ang folder na binigay ng mag-asawang Montoya. Tinulungan din ako ni James sa maliliit na detalye tungkol sa kapatid ko, lalo na sa pagsa
Mabigat ang pakiramdam ko habang sinisilid ko sa maleta ang huling gamit na kaya kong dalhin. Inilibot ko ang paningin ko sa huling pagkakataon sa buong bahay na kinagisnan ko. Bahay-ampunan ito, at masakit itong iwan, pero alam kong kailangan. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng lugar kung saan ako halos dalawampu’t tatlong taon na nanirahan.Hindi ko maiwasang maalala noong bata pa ako, gustong-gusto kong umalis sa lugar na ito. Pangarap ko noon na may umampon sa akin, kahit mahirap o mayaman, basta buong puso akong sasama. Hindi ako nawalan ng pag-asa, pero nagbago ang lahat pagdating ng legal kong edad. Wala pa ring nag-aampon sa akin. Minsan napapaisip ako kung bakit.Mabait naman ako, maganda naman ako, pero bakit? Bakit ayaw nila sa akin?Napangiti ako nang mapait.Kung dati ay sabik akong umalis sa lugar na ito, ngayon halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Ang hirap pala umalis sa isang lugar na itinuring mong tahanan."Mag-iingat ka roon, anak," sabi ni Mother Theresa haban
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments