Share

Chapter 2

Author: Irish Novels
last update Last Updated: 2025-06-17 17:43:46

"This is it! Wala ng atrasan ito!" Huminga muna ako nang malalim habang pinagmamasdan ko mula sa di kalayuan ang malaking bahay ng magiging asawa ko... asawa ng kapatid ko.

Malaki ito para sa dalawang taong nakatira roon. Sabi ni James, walang mga katulong doon, kami lang ni Fabio ang nasa bahay na iyon. Noong una raw ay may mga katulong pero pinaalis ng kapatid ko. Iyon ang hindi ko maintindihan. Bakit niya gagawin iyon?

Napaisip tuloy ako. Hindi kaya nabuburyo si Normani sa loob ng bahay na ito? Kawawa naman ang kapatid ko.

Tinanguan ako ni James pagkababa ko ng kotse.

"Lagi mo lang tandaan ang mga sinabi ko, Miss Normani," madiin niyang binigkas ang pangalan.

Suminghap ako at tumango. "S-Salamat, James."

Sandali pa niya akong tiningnan bago siya umalis at iniwan ako roon. Iyon na ang hudyat para simulan ko ang plano.

Kagabi pa lang ay inaral ko na ang folder na binigay ng mag-asawang Montoya. Tinulungan din ako ni James sa maliliit na detalye tungkol sa kapatid ko, lalo na sa pagsasama nila ng asawa nito. They're not in good terms, sabi ni James.

Literal na nalaglag ang panga ko pagpasok ng gate ng bahay. Malawak ang garden, may fountain pa sa gilid, at maraming punong halatang alagang-alaga. Pagpasok ko sa loob, mas lalo akong namangha sa disenyo.

"Dito nakatira si Nani? Wow," bulong ko sa sarili ko.

Nilibot ko ang buong bahay habang may oras pa. Hinanap ko rin ang kwarto naming mag-asawa. Yes, I tried to teach myself to call that 'Fabio' as my husband. Dapat daw masanay na ako, kaya ginagawa ko talaga sa abot ng makakaya.

Wala pa si Fabio. Sabi ni James, workaholic ang asawa ng kapatid ko. Halos nasa hospital na raw ito nakatira. Napaisip tuloy ako kung paano sila nagkakilala.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa malambot na sofa.

**

Fabio was shocked when he saw his wife, his liar bitch wife, laying on the sofa. This is new. Since when did his wife stay at home? She's a woman who loves nightlife. A party girl. Always in clubs or expensive restaurants with her bratty friends.

He walked closer to her. He was about to wake her up but stopped when he saw her lips slightly parted while sleeping peacefully. He checked the wall clock. It's already eleven in the evening.

He looked at his wife again, eyebrows furrowed. Something felt different about her face.

Fabio shook his head and turned away, walking to the kitchen. Too much for a day.

**

I woke up feeling hungry, ramdam ko na ang kumakalam kong tiyan. Napatingin ako sa orasan, maghahatinggabi na pala.

Dumating na ba si Fabio?

Hinilot ko ang batok ko habang inaantok pang lumakad papuntang kusina para maghanap ng makakain. Hindi ko namalayang nakatulog ako, kaya hindi rin ako nakapagluto. Sana naman may makain sa bahay na 'to. Baka puro design lang ang meron dito.

"Why are you here?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa gilid ko habang bubuksan ko ang ref. Napaharap ako sa may baritone na boses, at doon ko siya nakita... a handsome man sipping wine while sitting on the stool bar. Hazel brown eyes, pointed nose, and that jawline.

Grabe! Napakagwapong doktor ng asawa ng kapatid ko!

Nakurap-kurap ako. Ilang segundo na pala akong nakatitig. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"T-This is my house too."

Bakit ba ako nauutal? Hindi naman ako ganito. I’m a strong woman. Fighter ako. Noong bata pa kami, ako ang laging nagtatanggol kay Normani. Bakit ngayon parang tiklop ako?

"Your house? Yeah." He chuckled then eyed me with bored eyes. "Knowing you? Kailan ka pa nag-stay rito sa bahay?"

Biglang nagdilim ang mukha niya at sumimsim ulit ng alak.

"Bakit umiinom ka pa ng alak? Hatinggabi na," puna ko, hindi ko na pinansin ang sinabi niya.

Tinaasan niya ako ng kilay, tapos umiling-iling na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Binuksan ko na lang ang ref at kumuha ng slice ng cake at juice bago ako umupo sa isang stool. Gutom na talaga ako.

"What's your plan now, my dear wife, huh?"

Paglipas ng ilang segundo ay nagsalita siya. Akala ko tititigan lang niya ako habang kumakain ako ng cake.

"Plan for what?" inosente kong sagot.

Nagsalubong ang kilay niya bago tumayo. Napaigtad ako nang lumapit siya at mahigpit na hinawakan ang braso ko, dahilan para mapaigik ako sa gulat.

What’s with this man?

"Nasasaktan ako! Ano ba?! Lasing ka na ba?" anas ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko.

Tinaliman ko siya ng tingin. Hudas.

Pinipigilan ko ang sarili kong kalmutin siya. Dapat mabait ako sa kanya. Iyon ang bilin sa akin, ang panatilihin ang pagsasama ng dalawa. Kung hindi ako magtitimpi, baka mas lalo lang masira ang lahat.

"I haven't seen you for two weeks then now, you're here? Like nothing happened? Are you kidding me?" tumaas ang boses niya, nangingitngit ang panga.

Napangiwi ako sa sakit ng higpit ng hawak niya. Siguradong babakat iyon.

Hindi ako nagulat sa sinabi niyang hindi umuuwi si Normani. Of course, she won’t. Comatose ang kapatid ko!

Letcheng lalaki ‘to. Naaksidente ang kapatid ko at hindi man lang alam? Walang kwenta. Anong klaseng asawa ‘tong ugok na ‘to? Gwapo lang pero ang sama ng ugali.

Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa mukha niya. He’s still wearing a white polo, sleeves folded to his elbows.

"Let me go, Fabio," mahinahong sabi ko, hinawakan ko ang pulso niya.

Natigilan siya. Nakakunot ang noo. Parang nagulat. Ang gulat sa mukha niya unti-unting napalitan ng blanko, tapos naging puro pagkadismaya.

"Don’t call me Fabio! Kailan mo pa ako tinawag ng gano’n? You call me jerk, remember?" gigil niyang sabi. Kitang-kita ko ang pamumula ng leeg niya.

Mabilis siyang tumalikod at iniwan ako sa kusina, naguguluhan.

"Ano ba 'tong napasok ko?" bulong ko habang tuluyan siyang naglaho sa paningin ko.

What happened between my twin and her husband? Kilala ko si Normani. Tahimik lang siya.

Oo, magkaiba kami ng ugali. But I didn’t know she could call someone a jerk.

Nagbago na talaga siya. At hindi sapat ang mga nakalagay sa folder para maintindihan ko ang lahat. Kulang na kulang ang impormasyon.

What did you do, Normani?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Doctor's Substitute Wife   Chapter 4

    Katatapos ko lang magpalit ng mga kurtina. Ngayon naman ay naglilinis ako ng sala nang makarinig ako ng nag-doorbell. Napatingin ako sa wall clock at mag-aalasingko na ng hapon. Umalis na si Fabio kaninang umaga, hindi rin naman siya nagtagal. Pagkababa niya, nakaayos na siya sa pang-opisina.Ni hindi nga siya nagpaalam na aalis na. Ni hindi ako tinapunan ng tingin.Wala man lang kahit 'Hoy, babae, aalis na ako.'Kaagad akong naglakad papunta sa pintuan para tingnan kung sino ang dumating. Siguradong hindi si Fabio iyon dahil hindi naman siya nagdo-doorbell."Hey. Good afternoon!" nakangiting bati sa akin ni James. Kaagad umaliwalas ang mukha ko at binuksan ko pa nang mas malaki ang pinto."Hi! Ano na'ng balita? Pasok ka," sabi ko habang iniimbitahan siya papasok.Gusto kong palakpakan ang sarili ko. Talagang feel na feel ko na ang bahay na 'to, ah? Umupo naman siya sa isang sofa at bahagyang inilibot ang paningin sa paligid."Gano'n pa rin ang lagay ni Normani. Wala pa namang bilin a

  • The Doctor's Substitute Wife   Chapter 3

    Tumambad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto, kaagad akong nabalot ng takot. Napabalikwas ako ng upo at maya-maya’y natawa na lang ako sa sarili dahil nakalimutan kong nasa bahay nga pala ako ng kapatid ko at ng asawa nito.Oh right. Hindi ako si Normani, ako nga pala si Noami.Nabuntong-hininga ako’t bumangon. Komportable naman ang tulog ko. At first, I thought that we will be in one room, but when I went up last night, the door was locked. Kaya naisip kong ayaw talagang makatabi ng lalaking iyon at gano’n na talaga ang set-up ng dalawa noon pa man.Then I looked for another room. Ayaw ko naman kasing sa sala matulog dahil paniguradong hindi rin ako makakatulog doon. At tama nga ang hinala ko. Nang pasukin ko ang isang kwarto katabi ng kwarto nito, nandoon ang mga damit ng kapatid ko.So hindi sila magkatabi ng tulugan? For what? Ano ba talagang nangyari sa dalawa at parang galit na galit si Fabio sa kapatid ko?Pagkatapos kong maligo, pumili ako ng isusuot para makababa na."Ano ba

  • The Doctor's Substitute Wife   Chapter 2

    "This is it! Wala ng atrasan ito!" Huminga muna ako nang malalim habang pinagmamasdan ko mula sa di kalayuan ang malaking bahay ng magiging asawa ko... asawa ng kapatid ko.Malaki ito para sa dalawang taong nakatira roon. Sabi ni James, walang mga katulong doon, kami lang ni Fabio ang nasa bahay na iyon. Noong una raw ay may mga katulong pero pinaalis ng kapatid ko. Iyon ang hindi ko maintindihan. Bakit niya gagawin iyon?Napaisip tuloy ako. Hindi kaya nabuburyo si Normani sa loob ng bahay na ito? Kawawa naman ang kapatid ko.Tinanguan ako ni James pagkababa ko ng kotse."Lagi mo lang tandaan ang mga sinabi ko, Miss Normani," madiin niyang binigkas ang pangalan.Suminghap ako at tumango. "S-Salamat, James."Sandali pa niya akong tiningnan bago siya umalis at iniwan ako roon. Iyon na ang hudyat para simulan ko ang plano.Kagabi pa lang ay inaral ko na ang folder na binigay ng mag-asawang Montoya. Tinulungan din ako ni James sa maliliit na detalye tungkol sa kapatid ko, lalo na sa pagsa

  • The Doctor's Substitute Wife   Chapter 1

    Mabigat ang pakiramdam ko habang sinisilid ko sa maleta ang huling gamit na kaya kong dalhin. Inilibot ko ang paningin ko sa huling pagkakataon sa buong bahay na kinagisnan ko. Bahay-ampunan ito, at masakit itong iwan, pero alam kong kailangan. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng lugar kung saan ako halos dalawampu’t tatlong taon na nanirahan.Hindi ko maiwasang maalala noong bata pa ako, gustong-gusto kong umalis sa lugar na ito. Pangarap ko noon na may umampon sa akin, kahit mahirap o mayaman, basta buong puso akong sasama. Hindi ako nawalan ng pag-asa, pero nagbago ang lahat pagdating ng legal kong edad. Wala pa ring nag-aampon sa akin. Minsan napapaisip ako kung bakit.Mabait naman ako, maganda naman ako, pero bakit? Bakit ayaw nila sa akin?Napangiti ako nang mapait.Kung dati ay sabik akong umalis sa lugar na ito, ngayon halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Ang hirap pala umalis sa isang lugar na itinuring mong tahanan."Mag-iingat ka roon, anak," sabi ni Mother Theresa haban

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status