Umuwi na muna si Owen sa mansion dahil mas napapadalas na siya sa penthouse niya. Pag-uwi niya ay wala siyang naabutan sa pamilya niya. Tanging ang mga katulong lang ang nasa mansion.“Nasaan sila?” tanong niya kay Ashley na babysitter ng kambal.“Yung kambal po inuwi na muna ng mga magulang ni Sir Tyrone. Sila Sir Tyrone naman po at ma’am Czarina, lumuwas papuntang Europe kasama si baby Kalix. Si Chairman naman po, nasa business trip.” Sagot nito. Napatango-tango naman si Owen pero ng marealize niya kung saan pumunta ang mag-asawa ay muli siyang napatingin kay Ashley.“Teka, may schedule na ba ng operation si Kalix?” tanong niya.“Hindi ko po alam sir pero ang narinig ko, ipapacheck up na muna nila si Kalix sa mga doctor kung saan siya ooperahan.”
Last Updated : 2025-10-16 Read more