Napangiti si Owen ng makita niya na ang anak nila. Nagpapahinga pa si Kayla dahil sa pagod na naramdaman nito sa panganganak. Parehong tulog ang mag-ina niya. Hindi pa rin niya maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdaman niya.Gusto niya sanang buhatin ang anak niya pero natatakot siya na baka masaktan niya ito. Ayaw niya ring gisingin si Kayla sa pagkakatulog nito.“Hi baby,” mahinang saad ni Owen. Hindi mawala ang mga ngiti sa labi niya. Pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya sa sobrang saya.Nang magising si Kayla ay nilapitan ito kaagad ni Owen.“Hi love, kumusta?” malambing na tanong ni Owen. Tipid namang ngumiti si Kayla. Bakas pa rin ang pagod.“I’m fine, how’s the baby?” nanghihina pa rin niyang tanong. Tiningnan naman ni Owen ang anak nila at namamangha pa rin ito.“Perfect, you don’t know how happy I am love. Yung kaba na nararamdaman ko kanina, napalitan yun ng sobrang saya. I still can’t believe.” Namamasa na ang mga mata ni Owen dahil sa mga luha sa sobrang kasiyahan
Last Updated : 2025-12-14 Read more