Parehong naging busy sa trabaho si Owen at Kayla pero hindi pa rin sila nawawalan ng oras sa isa’t isa kahit na tuwing hapon at umaga lang sila nagkikita. Nakatuon ang atensyon ni Kayla sa computer niya nang may kumatok sa pintuan ng office nila. Siya lang naman ang tao sa office nila dahil nagrounds si Jane at Mylene.“Come in,” sagot niya. Nananatiling nasa computer ang paningin niya.“Doc Kayla, may naghahanap sayo. Nasa main building siya, hinihintay ka.” Tiningnan ni Kayla ang pumasok ng office nila.“Sino raw?” tanong niya pero nagkibit balikat ito.“Hindi ko alam, ang sabi niya hihintayin ka raw niya sa main building.” Sagot nito. Tumango na lang si Kayla saka niya inayos ang mga papeled na nasa lamesa niya. Lumabas na siya ng office nila ay dumiretso na sa main building. Pagbaba niya ay inilibot niya ang paningin niya. Hindi niya naman alam kung sino ang naghahanap sa kaniya kaya hindi niya alam kung sino ba ang hahanapin niya.“Kayla,” rinig ni Kayla sa pangalan niya. Napalun
Last Updated : 2025-11-17 Read more