Miles' Point of View*Nanlalaki ang mga mata ko dahil mukhang papunta siya dito! Anong trip ng lalaking ito?"Mommy, nandidito ka na pala."Agad akong napatingin sa dalawang anak ko na magkahawak kamay habang nakatingin sa akin.Takot akong napatingin sa kanila at sa bintana ulit. Natigilan sa paglalakad si Zep dahil mukhang may tumatawag sa phone nito.At bumalik ito sa paglalakad papunta sa sasakyan na kinahinga ko ng maluwag at maski si Ion ay ganun din."Mommy, are you alright?" Napatingin ako sa lalaking anak ko at titingin sana ito sa bintana pero pinigilan ko."Ayos lang si mommy, babies. Kayo ayos lang ba kayo habang wala ako rito?"Lumapit ako sa kanila at niyakap silang dalawa at hinalikan ko ang mga pisngi nila sabay ngiti."Yes, mommy, naintindihan po namin na nagsasakripisyo po kayo dahil po sa amin. Hindi po namin makakalimutan ang lahat ng ginawa po ninyo."Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila."Gagawin ko ang lahat para sa mga babies ko. Gusto niyo ba na
Terakhir Diperbarui : 2025-09-06 Baca selengkapnya