Miles Craig’s Point of View"Sign it or not."Nakatitig ako sa mga mata niya—malamig, walang bahid ng emosyon. Para bang kahit kailan, hindi niya ako minahal. Sa mga matang ‘yon, puro galit at hinanakit lang ang nakita ko.Ganito na lang ba talaga ako sa kanya? Isang babaeng walang halaga? Isa lang bang hadlang sa mga plano niya? Hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito. Oo, pinakasalan ko siya dahil ‘yon ang gusto ng lolo niya. Pero hindi ko kailanman inangkin ang puso niya. Ni minsan, hindi ko pinilit ang sarili ko sa kanya."I don't need your answer for now," dagdag pa niya habang nakatalikod na sa akin. "Sa huli mo na pirmahan ang divorce paper na 'yan. Tandaan mo 'yan."Napakagat ako sa labi habang dahan-dahang tumango. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang kontrata, pero hindi ko pa rin magawang basahin. Gusto kong intindihin, gusto kong maunawaan ang mga nakasaad doon, pero masyadong maingay ang puso ko para magbasa."Sa publiko," dugtong niya, "we act as real lovers. ‘Yan ang u
Last Updated : 2025-06-19 Read more