I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession

I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession

last updateLast Updated : 2025-07-07
By:  LMCD22Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
12Chapters
726views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

I married Zephyrus Jones under a one-year contract—walang sabit, walang emosyon, puro pirma lang at katahimikan. Kailangan niya ng asawa para sa billion-dollar deal. Kailangan ko ng pera para mailigtas si Papa. We lived like strangers under one roof… hanggang sa dumating ang araw na iniwan niya ako—papers signed, puso kong wasak, at mga pangakong hindi natupad. Sabi niya, may mahal na siyang iba. Sabi niya, never akong naging parte ng plano. Kaya nag-divorce kami. Apat na taon ang lumipas, bumalik ako—hindi para sa kanya, kundi para sa sarili ko. Pero nang muli ko siyang makita, he wasn’t the cold-hearted man I once knew. Ngayon, he looks at me like I’m the only thing that matters. Ang problema? Natuto na akong mabuhay nang wala siya. At ngayong bumalik siya sa buhay ko… hindi niya alam na may kambal kaming anak—at wala akong balak sabihin sa kanya.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Miles Craig’s Point of View

Kinabahan ako. Hindi lang basta kaba—yung tipong parang may mabigat na bato sa dibdib mo at ang bawat tibok ng puso mo ay parang sumisigaw.

Sa wakas, natanggap ako sa isa sa pinakamalaki at pinaka-impluwensyang kumpanya sa buong mundo. Ilang taon kong pinangarap ‘to. Ilang gabi akong hindi natulog kakahanap ng trabaho habang karga ang dalawang anak kong sabay umiiyak. At ngayon, narito na ako.

Naupo ako sa sofa sa may lobby. Hawak ko ang phone ko, at tinititigan ko ang picture ng kambal ko—isang lalaki at isang babae. Mahimbing ang tulog nila sa litrato. Para sa kanila ang lahat ng ‘to. Gagawin ko ang lahat, tiisin kahit anong hirap, para lang sa kanila.

“Miles Craig?”

Napalingon ako agad. Isang babae ang nakatayo sa harap ko. Suot niya ang isang corporate black attire. Matarik ang tingin, matigas ang postura, may hawak na clipboard. Para siyang isang general sa loob ng gusali. Isang tingin pa lang, alam mong hindi mo siya puwedeng suwayin.

“Yes po, that’s me,” sagot ko agad, sabay tayo mula sa waiting area ng ZJ Corporation—ang pinakamalakas sa larangan ng tech, media, at energy. First day ko bilang executive secretary. Nervous? Sobrang understatement ‘yon.

“The CEO wants to meet you before you report to your department,” sabi niya diretso, walang emosyon.

Napakurap ako. “The... CEO?”

“Yes. Please follow me. Ihahatid kita sa kanya.”

Bago pa ako makatanong kung bakit, tumalikod na siya. Napilitan akong sumunod, kahit ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Relax, Miles. Orientation lang ‘to. Formalities lang. Baka gusto lang niya akong i-welcome.

Pero habang pataas kami sa elevator, parang may bumigat sa dibdib ko. Bawat ding ng floor, parang countdown ng isang pagsabog.

Tiningnan ko ang ID ko. Binasa ko ulit ang pangalan ng kompanya. ZJ Corporation. ZJ. ZJ... Zephyrus Jones?

Hindi. Hindi pwede. Imposible ‘yon. Hindi siya puwedeng—

DING.

Pagbukas ng elevator, bumungad sa akin ang top floor. Executive level. Tahimik. Mamahaling carpet. Black marble walls na may gold accents. Lahat dito mukhang mahal. Lahat dito mukhang malayo sa buhay ko.

“This way,” utos ng assistant. Tumalikod siya at lumakad. Ako naman, pilit nilulunok ang kaba.

Huminga ako nang malalim. Lumapit sa glass door. Kumakatok ang kamay kong nanginginig.

Knock. Knock.

“Come in.”

Isang tinig ang narinig ko. Pamilyar. Isang tinig na hindi ko kailanman inakalang maririnig ko ulit.

Binuksan ko ang pinto. Unti-unting gumalaw ang paningin ko, hanggang sa tumigil ito sa lalaking nakaupo sa likod ng malaking desk na gawa sa salamin at bakal.

Siya ‘yon.

Zephyrus Jones.

Ang dati kong asawa. Ang lalaking minahal ko. Ang lalaking bumasag sa puso ko gamit lang ang isang pirma sa papel.

Nakatitig siya sa akin, kalmado, pero may kakaibang ningning sa mga mata niya.

“Hello, Miles,” sabi niya, walang kaba. “Welcome to ZJ Corporation. I see you’re right on time.”

Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako agad nakakilos. Hindi ako makapagsalita.

“Zep...” bulong ko. Hindi ko man lang narinig ang sarili kong tinig.

Ngumiti siya. Bahagya lang. “Nice to meet you again, ex-wife.”

Parang tumigil ang mundo ko. Pumikit ako sandali. Hindi ito totoo. Ayoko. Hindi ito puwede.

“This time,” sabi niya habang tumayo mula sa kinauupuan, diretso ang tingin sa akin. Ang boses niya ay malamig pero may halong init na matagal ko nang hindi naririnig. “...I won’t let you go.”

Napalunok ako. Hindi ko alam kung matatakot ba ako, magagalit, o matutunaw sa ilalim ng titig niya.

“I... didn’t know you were the CEO,” mahinang sagot ko. Kalmado sa labas, pero magulo sa loob.

“No one told me you were the applicant either,” sagot niya. “Fate, perhaps?”

“More like HR,” sagot ko, pinipilit maging matatag.

“I own HR,” mayabang niyang sagot sabay smirk. “They follow what I want.”

Bahagya akong umatras. Hindi ko alam kung babala ba ‘yon, o game na naman para sa kanya.

“You’ll be working under my office. Directly with me. That’s what the role requires,” dagdag niya.

“Right...” bulong ko.

Tahimik. Ramdam ko ang tensyon sa silid. Ang kinatatayuan ko parang naging patibong. Alam kong hindi ito ordinaryong trabaho. Alam kong hindi ito basta-basta role. Pero pinilit kong ipaalala sa sarili ko—wala ako rito para magmahal muli. Nandito ako para magtrabaho. Bilang sekretarya. Bilang propesyonal. ‘Yun lang.

“You look different,” sabi niya bigla, habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Stronger. Sharper.”

“I had to be,” matigas kong sagot.

Tumango siya, seryoso ang mukha. “Good.”

Ilang segundo ng katahimikan. Ang tanging maririnig mo lang ay ang malamig na tunog ng aircon.

“You know... I never thought I’d see you again,” aniya.

“I didn’t plan to. Sana nga hindi na lang,” mahinang tugon ko.

“Do you hate me?”

“No.”

“Do you still love me?”

Tumingin ako sa kanya. Diretso. Matatag. “I’ve moved on.”

Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mata ang ngiting ‘yon. “We’ll see.”

At doon ko naramdaman. Parang may hamon sa sinabi niya. Parang sinasabi niyang—subukan mong itanggi pa. Parang tinatanong niya kung hanggang saan ang kaya ko.

At doon ko rin na-realize… hindi magiging madali ang trabahong ito. Hindi ito basta career. Ito ay magiging isang labanan.

---

Paglabas ko ng opisina niya at habang bumabalik ako sa elevator, isa lang ang paulit-ulit sa isip ko:

“This time, I won’t let you go.”

Too late, Zep.

May iniwan ka, at hindi mo alam…

May mga anak tayo.

At hinding-hindi mo kailanman malalaman ang tungkol sa kanila.

******

LMCD22

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Eyha Ortega - Sarin
more updates po author Ang Ganda..
2025-07-05 21:18:44
1
user avatar
HIGHSKIES
more !!!! ...
2025-07-03 16:45:16
1
12 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status