Pagkatapos nilang kumain sa restaurant ay nagpunta na sila sa isang bar na nasa downtown at dahil kasama nila si Declan ay inaya naman ito ni Lawrence na agad namang pumayag na sumama sa lakad nila.At dahil dala ni Declan ang kotse niya ay doon na siya pinasakay ni Deniz at kahit ayaw niya sana dahil nahihiya siya sa kanyang boss ay wala naman siyang nagawa lalo pa at si Declan na ang nag-aya sa kanya.“Siya nga pala, congrats ulit, Kate!” sabi ni Declan at matipid naman na sumagot si Kate“Salamat po Sir!” “Sabi ko naman sa iyo, call me Declan or D, gaya ng tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Wala naman tayo sa trabaho!” ani Declan kaya napangiti nalang si Kate“What brings you here, Kate?” tanong ni Declan habang nagmamaneho na ito papunta sa bar “Work?” ani Kate at narinig niya ang mahinang pagtawa ni Declan“I don’t think so Kate? Tell me, bakit ang lungkot ng mga mata mo?” tanong ni Declan at dahil boss niya ito at ngayon lang nakilala, hindi naman tama na magkwento na siya dit
Last Updated : 2025-07-15 Read more