Naitulak ni Kate si Aiden matapos siyang bigyan ng makapigil hiningang halik! Hindi alam ni Kate kung ano ang mararamdaman niya nung mga oras na iyon pero si Aiden, masakit sa pakiramdam niya na ganito ang ginawa ng kanyang asawa sa kanya.Mukhang hindi na talaga siya mapapatawad ni Kate!“Aiden, ano bang problema mo? Bakit mo ginawa yun?” galit na tanong nito sa kanya“Kate, please, huwag kang magalit! Gusto ko lang naman ipakita sa iyon na nagbago na ako! Na mahal kita!” napailing si Kate sa sinabi ni AidenKung noon, gusto niyang marinig ito, ngayon, hindi niya alam! Lalo pa at naaalala niya na minsan, sinabi din ni Aiden na mahal niya si Charlene!FLASHBACK:“Pwede ba Kate, huwag mo akong kwestyunin sa mga gusto kong gawin! Sino ka ba sa akala mo?” galit na angil sa kanya ni Aiden habang pababa siya ng hagdanAalis si Aiden noon at nasisiguro niya na kay Charlene na naman ito pupunta.“Aiden, nakikiusap naman ako sa iyo! Birthday ni Kuya Rafael kaya sana sumama ka naman sa amin n
Pauleen was very happy dahil sa naging outing nila this weekend at nung pauwi na nga sila ay panay pa ang hirit nito na sa next weekend, mamasyal ulit sila.Kate just kept her silence at hinayaan na lang niya na mag-usap ang mag- ama tungkol dito.Pagdating nila sa bahay that afternoon ay inasikaso muna ni Kate ang kanyang anak at sinabihan na magpahinga na muna.Matapos niyang ayusin ang gamit ni Pauleen ay nakita niya na nakatulog na ito kaya napangiti naman siya.Hindi na niya hahayaang mawala ang kanyang anak sa kanya. Lumapit siya dito and kissed her forehead saka siya maingat na lumabas sa kwarto nito.Sge entered Aiden’s room at sakto naman na nagring ang phone niya and she saw that it was Declan.“Hey!” ani KAte nung sagutin niya ang telepono niya“Kamusta?” tanong pa niya in her jolly voice“Okay lang! Nami-miss na kita!” seryosong sabi ni Declan kaya napahinga ng malalim si Kate“May problema?” tanong pa ni Declan when she heard her sigh“Wala naman D! Hindi lang kasi nangy
“Aiden ano bang ginagawa mo?” tanong ni Kate sa asawa niya pero ngumisi lang naman ito at saka nito binitwan ang kamay niya“Huwag kang mag-alala, sweetheart! Masa maganda ka kaysa kay teacher Grace!” sabi nito kaya naman nameywang siya sa harap ni Aiden“At sino naman ang nagsabi sa iyo na nag-aalala ako, Aiden?” balik niya dito pero ngumiti lang ito and shrugged his shoulders“Hintayin ka namin sa labas!” anito saka nakangiting lumabas ng kwarto kaya naman lalong nabwisit si KateNapatitig pa siya sa kamay niya na kanina lang ay hawak ang abs ni Aiden at iniling niya ang ulo niya para to shake of the image in her head.Nagbihis na siya dahil baka mainip si Pauleen at matapos niyang isuot ang kanyang two-piece bikini ay nagsuot na siya ng robe bago siya lumabas sa pinto.“Yes, Mommy is here na!”sabi ni Pauleen sabay hawak sa kamay ng kanyang ama at ganun din ang ginawa niya sa kamay ng Mommy niya\Naglakad sila papunta sa pool at kung titignan mo sila, para talaga silang masayang pa
Natigilan si Aiden sasinabi ni Kate at wala naman siyang maisagot dito dahil totoo naman ang sinabi ng kanyang asawa.“Hindi ka na nakasagot?” ani Kate kaya naman napahinga na lang si Aiden ng malalim“Alam ko naman yun, Kate! Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin dahil nagsisi na ako!” sagot ni Aiden sa kanya“Hindi na kita pagbabawalan kung gusto mong puntahan ang kabit mo Aiden! Pero sana, maging discreet kayo at huwag na huwag mo ng isasama ang anak ko sa kanya, maliwanag ba?” patuloy pa ni Kate kaya naman dumilim na ang mukha ni Aiden“Hiniwalayan ko na siya, Kate! Ano bang sinasabi mo?” inis na tanong niya“Ows? Eh bakit kung awayin ako nung babae mo, ganun pa din! Siya na ang nakiapid sa asawa ko, siya pa ang matapang!” inis na sagot din Kate at naalala niya na hindi pa siya tapos sa babae na itoIdagdag pa ang hipag niyang kunsintidor sa maling ginagawa ng kanyang kaibigan.“Hindi ka na ba talaga maniniwala sa akin, Kate?” malungkot na tanong ni Aiden kaya nagkibit-bali
“Sana po hindi na tayo magkahiwalay!” Natanim sa utak ni Kate ang mga katagang ito ng kanyang anak na narinig niya kanina nung pababa na siya sa hagdan. Hindi maiwasan ni Kate na manikip ang dibdib dahil sa kahilingan ng kayang anak.Mahal niya ang kanyang anak at ngayon na malapit na sila sa isa’t-isa ay makakaya ba niyang mailayo na naman ito sa kanya sa pangalawang pagkakataon?Habang bumibyahe sila papunta sa Batangas ay naisip ni Kate na hindi niya kakayanin kung mawawala ulit sa kanya si Pauleen kaya naman nagdesisyon na siya na pakikisamahan niya si Aiden alang-alang sa kanyang anak.Kung noon, si Aiden ang walang pakialam sa kanya at pinakikisamahan lang siya dahil buntis siya, siya naman ang gagawa noon ngayon. Siya naman ang gagawa ng rules at sisiguruhin niya na malalaman itong lahat ni Aiden.She will stay and remained married to Aiden, hindi dahil sa gusto niyang ayusin ang lahat pero dahil sa anak niya. Kaya niyang igive-up ang lahat para sa kanyang anak.“Mommy, hindi
“Gusto mo ng annulment, tama? Sige KAte, pagbibigyan kita pero ito ang tatandaan mo, the moment na ma-approve ito, hinding-hindi mo na makikita ang anak mo!” pahayag ni Aiden at nakaramdam naman ng kaba si Kate“Aiden, hindi ako papayag!” matigas na saad niya kahit pa may ideya na siya kung ano ang ginagawa sa kanya ng asawa“Kahit hindi ka pumayag, wala kang magagawa dahil yun ang nilagay mo sa agreement! That you will give up Pauleen’s custody, tama ba ako?” paalala ni Aiden sa kanya kaya naman naconfirm niya na ito ang balak ni Aiden“That was before, Aiden!” protesta niya pero umiling ito sa kanya“Hindi mo na mababago yun, Kate! At kung gusto mong makasama ang anak natin, kalilimutan mo na ang annulment na yan!” galit na sabi ni Aiden kaya naman kulang na lang ay magdilim na ang na ang paningin niya“You are blackmailing me, Aiden!” Umiling si Aiden saka niya tinitigan si KAte.“Ikaw ang may gusto nito! At malinaw naman yan sa papeles na pinirmahan mo! Hinaharang ko ito dahil um