LOGINDahil sa isang pangyayari, napilitan si Aiden Moss Buenavista na pakasalan si Kate Alicia Maristela lalo pa at dinadala nito ang bunga ng isang gabing para sa kanya ay isang pagkakamali. Hindi maganda ang naging trato niya dito at nakuha pa niyang makipagrelasyon kay Charlene. Kinaya ni Kate na magtiis hanggang sa dumating na siya sa hangganan kaya nag-file na siya ng annulment para maging malaya na siya and at the same time, giving up her rights for their daughter Pauleen. Umalis siya ng bansa but when she came back, doon niya nalaman na hindi pa sila hiwalay ni Aiden at hinihintay nito ang kanyang pagbabalik.
View MoreHuminga ng malalim si Kate bago siya pumasok sa malaking bahay kung saan siya nakatira. This place was her home for the past seven years of her life buhat nung ikasal siya kay Aiden Buenavista.
Kakagaling lang niya sa probinsya dahil dinalaw niya ang kanyang Lola Bien na may sakit at nanatili siya doon ng dalawang buwan dahil gusto niyang makasama ang kanyang lola.
Hindi na niya isinama si Pauleen dahil maiinip lang ito doon at hindi naman ito sanay sa buhay probinsya. Oo nga at hacienda ang lugar kung saan nandoon ang kabuhayan ng mga Hidalgo pero natitiyak niyang hindi ito magugustuhan ng kanyang anak kaya naman inihabilin niya muna ito kay Manang Siony
“Nandyan ka na pala!” sabi ni Manang Siony saka nito kinuha ang mga gamit niya
“Kamusta po kayo dito Manang?” tanong ni Kate at ngumiti naman ito
“Ayos lang kami dito, iha! Kung may problema naman, itatawag ko agad sa iyo!” sabi pa niya kay Kate
“Si Aiden po, umuuwi naman ba?”
Tumango naman si Manang kaya napanatag naman si Kate na may nakakasama si Pauleen habang wala siya dito ng dalawang buwan
“Nasaan po si Pauleen?” tanong niyang muli dahil miss na niya ang kanyang anak
“Nasa kwarto niya, iha!”
Mabait si Manang Siony at hindi naman lingid sa kaalaman niya ang kalagayan ng mag-asawa. Bagong kasal pa lang sila noon ay siya na ang kasama nila dito kaya naman nakikita niya kung ano ang pinagdadaanan ni Kate sa araw-araw.
Palagi na lang siyang pinapayuhan nito na balang araw, makikita din ni Aiden ang halaga niya. And she will just smile kahit pa wala na siyang nakakapang pag-asa sa puso niya na maayos pa silang mag-asawa.
Siguro, pagod na din siyang umasa.
“Pupuntahan ko lang po si Pauleen.” sa wakas ay sabi ni Kate saka siya pumihit para umakyat sa hagdan at puntahan ang kanyang anak
Kumatok siya sa pinto at nung nagsalita ang anak niya ay pinihit niya ang seradura at pumasok na siya sa pinto.
“Pauleen, Mommy’s here!” aniya pero nilingon lang siya ng kanyang anak at bumalik muli sa kanyang ginagawa
Halos mapaiyak na si Kate sa nakikita niya sa kanyang anak! Maaring matiis niya ang hindi magandang pagtrato sa kanya ni Aiden pero ang makita ang anak niya na lumalaking katulad ng kanyang ama, is way too much for her.
Pero anak niya si Pauleen at hindi niya ito pwedeng sukuan kaya naman nilapitan niya ito at niyakap mula sa kanya likuran.
“Ano ba ang pinagkakaabalahan mo?” tanong niya dito
Nakita niya na gumagawa si Pauleen ng bracelet na yari sa shells kaya naman napangiti siya dahil nakikita niya ang artistic side ng bata. Bagay na nakuha nito sa kanya.
“I am making a bracelet! Regalo po namin ito ni Daddy kay Tita Charlene!” masayang sabi ni Pauleen at halos hindi nakahinga si Kate sa sinabi ng kanyang anak
“Binili po ni Daddy ang materials nito abroad, Mommy! Pero may ibang gift din po yata si Daddy kay Tita para sa birthday niya. Excited na po akong ibigay kito sa kanya.”
Huminga ng malalim si Kate at pinigilan niya ang luhang nagbabadyang pumatak sa kanyang mga mata.
Sa edad ni Pauleen na anim, hindi man lang ito gumawa ng anything special for her kahit pa alam nito na birthday niya. There was no celebration kaya naman twing birthday niya, umuuwi na lang sila ni Pauleen sa bahay ng parents niya.
And in those seven years, never na nagpunta si Aiden sa birthday celebration niya. He must really hate her birthday!
“Ganun ba? I am sure, magugustuhan ni Tita Charlene ang regalo mo.” napatingin sa kanya si Pauleen at pumikit-pikit siya para hindi malaglag ang mga luha sa harap ng anak niya
“Okay ka lang, Mommy? Bakit parang sad ka?” tanong nito sa kanya
“Hindi baby! Masaya nga ako kasi nakauwi na ako dahil na-miss kita! Ikaw, na-miss mo ba si Mommy?” tanong niya sa anak niya
“Mmm….sige na Mommy, I have to finish this! Iwan niyo na po ako!” napangiti si Kate ng mapait dahil sa nakikita niya, ni hindi man lang hinanap ng anak niya ang kanyang presensya
“Okay anak! Maliligo lang si Mommy!” paalam niya pero hindi na siya sinagot ng bata dahil nagpatuloy na siya sa paggawa ng bracelet
Ano kaya ang regalo ni Aiden kay Charlene? Hindi niya mapigilang maghinanakit dahil sa tagal nilang mag-asawa, hindi siya nakatanggap ng kahit ano mula dito. Aiden supports the needs of the house pero ang personal na gastos niya ay galing sa sariling kita niya bilang sekretarya ng kanyang father in law sa kumpanya ng mga Buenavista.
Ayaw ni Aiden na magtrabaho siya pero dahil kagustuhan iyon ng kanyang biyenan, at bilang presidente pa rin siya ng kumpanya, walang nagawa si Aiden kaya naman sinabihan siya nito na hindi siya bibigyan ng pera for her personal needs dahil may pera naman siyang kinikita.
At isa yun sa maraming bagay na sinabi at ginawa ni Aiden sa kanya na nagpababa ng kumpyansa niya bilang tao at bilang babae.
Kilala siya bilang asawa ni Aiden sa kumpanya ng mga Buenavista pero wala siyang nakukuhang paggalang mula sa mga tao dito. Siguro kasi, naniniwala sila sa isang bagay na ibinibintang sa kanya ni Aiden kahit na hindi naman iyon totoo.
Taliwas kay Aiden at sa kapatid niyang si Gianna na palagi siyang pinagsasalitaan, mabait sa kanya ang mga magulang ni Aiden. Lalo na si Madam Armida, ang lola ni Aiden.
Nathan, her brother in law, ay normal lang naman. They are of the same age at hindi siya pinakitaan nito ng kagaspangan ng ugali.
Bata pa lang siya, magiliw na sa kanya ang Lola ni Aiden. Madalas siyang isama ng kanyang Daddy sa tahanan ng mga Buenavista at naging kalaro pa nga niya doon si Gianna at si Nathan. Nakakalungkot nga lang na wala na ang Daddy niya dahil kung buhay pa ito, hindi nito hahayaang masaktan siya.
Ang Mommy naman niya, iniwan ang kanyang Daddy noon tatlong gulang palang siya kaya naman ang Lola niya ang nagpalaki sa kanya.
Pagpasok niya sa kwarto ay agad siyang naligo dahil gusto na din niyang magpahinga. Pagod na din siya sa biyahe lalo at nag-commute lang naman siya paluwas ng siyudad.
After her bath ay tinuyo na niya ang kanyang buhok para makatulog na din siya hanggang sa maalala niyang tawagan si Aiden para ipaalam na nakabalik na siya.
Kahit pa alam niyang wala naman itong pakialam, she still made that call at matagal bago ito sagutin ng kanyang asawa.
“What!?” hindi na nagulat si Kate dahil sanay na siya na ganito ang pakikitungo sa kanya ng lalaking minahal niya eversince she was a teenager
Simpleng crush, puppy love hanggang sa nauwi sa one great love. Kaya nga masaya siya noong ipakasal sila ng kanilang mga magulang at kahit pa alam niyang abot-langit ang galit ni Aiden sa kanya, she still took the chance dahil umasa siya na mapapalambot din niya ang puso ng kanyang asawa.
“Nakabalik na ako.” maiksing saad ni Kate pero tahimik lang naman ang kabilang linya hanggang sa marinig niya ang isang tinig
“Aiden darling, c’mon! The water in the tub is ready!”
And then, naputol na ang linya.
“Wala pa rin bang balita?” tanong ni Aiden kay Declan at gaya ng dati, malungkot itong iiling sa harap ng kanyang kaibiganTatlong buwan na ang nakaraan pero hanggang ngayon, wala silang balita o info na makuha kung nasaan ba si Camilla.Nakakulong na si Roxie lalo at napatunayan na siya ang kumuha ng design ni Kate at siya din at nagbenta nito sa mga Herrera. Sinet-up niya si Camilla dahil sa galit nito sa kanya at para na din mapaalis na ito sa Polaris.Pero hindi naman siya nagtagumpay dahil natuklasan ni Kate ang lahat nung kausapin niya si Jonathan, ang kuya niya na hanggang ngayon, hindi pa rin alam ang totoong koneksyon niya kay Ingrid Hererra.Pero okay na si Kate doon at para sa kanya, patay na ang Mommy niya.Gusto sana ni Giselle na kasuhan na din ang mga Hererra pero nakiusap naman si Jonathan na huwag na at magbabayad na lang sila ng damages. Kahit naman ganun, hindi naman kaya ni Kate na makitang nakakulong ang kanyang ina. Kaya naman kaiusao siya kay Giselle na hayaan a
Tatlong buwan na ang nakaraan pero sariwa pa rin sa isip ni Camilla ang takot na naramdaman niya noong akala niya ay mamamatay na siya sa kamay ng lalaking kumuha sa kanya sa loob ng kulungan.Mabuti na lang, hindi siya pinabayaan ng Diyos kahit na nung mahulog siya sa bangin. Pakiramdam niya, may anghel na nagligtas sa kanya kaya naman maliban sa sugat, pasa, pilay at gasgas ay wala na siyang natamong ibang pinsala.“Malalim na naman ang iniisip mo!” sabi ni Sor Paula kaya naman natigil ang pag-iisip ni Camilla sa mga nangyari sa kanya“Kayo po pala yan, Sor PAula!” sagot ni Camilla “Kamusta yung pilay mo, nailalakad mo na ba yung paa mo?” tanong ni Sor Paula matapos niyang tignan ang paa nitoNapilayan din kasi si Camilla at mabuti na lang, hindi ito naging grabe at nagawa pa niyang maglakad palayo sa bangin kung saan siya nahulog at humingi ng tulong sa isang nagdaang sasakyan.Nakatagpo talaga siya ng mababait na mga tao dahil dinala pa siya ng tumulong sa kanya sa clinic at siya
Tatlong araw na ang nakaraan pero hanggang ngayon, wala pa ring makapagsabi kung nasaan si Camilla. Declan and Aiden exhausted all their efforts para makakiha ng lead doon sa taong sinasabi na naglabas kay Camilla sa ospital pero mailap sa kanila ang mga impormasyong kailangan nila.Nasa ospital si Amelia at sa kasalukuyan ay nasa comatose stage ito kaya naman iyak ng iyak si Azon dahil nararamdaman niya na nasa panganib na ang buhay ng kanyang kapatid.Si Giselle naman ay palaging umiiyak lalo na pag naaalala niya ang mga ginawa niya kay Camilla. Ang mga masasakit na salitang ibinato niya dito na alam niyang nakasakit at nakasugat sa kanyang pagkatao.Napatayo si Giselle nung makita niya na pumasok na sa opisina si Declan hoping na may magandang balita na ito kung nasaan si Camilla.“D, may balita na ba?” tanong ni Giselle dahil galing ito sa presinto pero umiling ito“Wala po, Mommy! Wala pa silang lead kung sino yung taong naglabas kay Camilla sa presinto lalo na at wala silang ma
“Mommy hindi! Sinasabi ko lang po!” sagot naman ni Declan sa kanyangBinalingan naman ni Giselle ng tingin si Amelia at hindi talaga niya maiwasang makaramdam ng galit dito. Hanggang ngayon, nandoon pa rin ang sakit na idinulot ng pagtatraydor nito sa kanya.“Ano bang ginagawa mo dito?” tanong ni Giselle kay Amelia kaya agad naman itong tumayo“Giselle…may gusto lang sana akong sabihin sa iyo!” ani Amelia habang nakaalalay naman sa kanya si Azon“Wala tayong pag-uusapan, Amelia!” sagot naman ni Giselle “Giselle, nakikiusap ako sa iyo. Huwag mo ng saktan si Camilla, please, wala naman siyang kasalanan!” “Wala akong ginawa sa anak mo!” sagot naman ni Giselle“Giselle, walang kasalanan si Camilla! Wala siyang kasalanan! Kung galit ka sa akin, ako na lang! Ako nalang ang saktan mo!” pakiusap ulit ni Giselle kaya napailing naman si Giselle“Kung nakulong man ang anak mo, dahil may ginawa siyang mali! Ngayon kung wala siyang kasalanan, dapat patunayan niya yun!” sabi ni Giselle at hindi
Pagdating nila Azon sa ospital ay inasikaso naman sila agad ng mga doktor.Nanikip ang dibdib ni Amelia pero ayon naman sa test ay okay naman ito at hindi naman daw ito maituturing na heart attack.Binigyan ng mga doktor ng gamot si Amelia at pinauwi din ito nung stable na ang blood pressure nito at okay na ang pakiramdam nito. Nakaramdam naman ng kaluwagan si Azon nung maging okay at kapatid niya. Sa totoo lang, hindi na niya alam kung ano ang gagawin lalo at nakakaramdam talaga siya ng kakaiba pag naiisip niya si Camilla.“Tara na, Amelia! Ihahatid kita sa bahay at papakiusapan ko na lang si Tinay na tignan ka muna. Kailangan kong magtanong-tanong para mahanap ko si Camilla” sabi ni Azon habang nag-aabang sila ng masasakyan“Kailangan kong makausap si Giselle, Ate! Hindi niya dapar saktan si Camilla!” ani Amelia kaya naman nagtaka si Azon“Ano ba yang sinasabi mo, Amelia?” “Ate, please, puntahan natin si Giselle! Gusto ko siyang makausap! Baka saktan niya si Camilla!”Hindi malama
Takot na takot si Camilla nung gabing iyon dahil nakutuban niya na may mangyayaring hindi maganda sa kanya. Bandang alas-dose ng gabi ay may pumasok sa selda niya at sapilitan siyang inilabas.“Ano pong nangyayari? Saan niyo po ba ako dadalhin?” tanong ni Camilla habang naglalakad sila palabas ng presintoSa gawing likuran sila lumabas at may nag-aabang naman doon na isang sasakyan kaya lalong nakaramdam ng takot ang dalaga.“Sir ano po ba ito? Bakit niyo po ako dinala dito?” tanong ni Camilla pero wala naman siyang nakuhang sagot mula sa mga lalaking naglabas sa kanyaHindi nga siya sigurado kung pulis ba ang mga ito at naisip niya na baka mga tauhan ito ni Giselle. Ito na ba ang katuparan ng banta niya dahil hindi siya sumunod sa gusto nito na layuan si Declan.“Sakay!” anang lalaki at wala naman siyang nagawa kung hindi ang sumunod dahil nakita niya na may baril ang mga ito“Saan po ba tayo pupunta?” tanong ulit ni Camilla pero hindi na nagsalita ang mga ito at nagsimula ng umandar
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)











Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments