Hindi na muna kaagad umuwi ng Switzerland si Caleb. Dumalo na muna siya sa lahat ng hearing. Gusto niyang makasigurado na matatanggap ni Emily ang pinakamaximum na punishment. Sa bawat hearing ay tahimik lang si Caleb. Nakapagpasa sila ng mga ebidensya laban kay Emily. Wala namang magawa ang kampo nina Winston. Tahimik lang silang nakinig at nanuod. Hindi naman mapigilan ni Aubrey na hindi umiyak.“Dad, please, tulungan mo naman si mommy. Alam naman natin na maling akala lang siya eh, inaalala niya lang naman ang kapakanan ko please do something.” Nakikiusap na wika ni Aubrey. Umiling naman si Winston sa kaniya.“I’m sorry anak pero wala tayong laban. Maraming ebidensya si Caleb para patunayan ang mga kasalanan ng mommy mo. Kung kakalabanin ko si Caleb, bubuksan niya ang inireklamo sa akin ni Mabel noon. Kung gugustuhin ni Caleb, kaya niya rin akong ipakulon
Terakhir Diperbarui : 2025-09-27 Baca selengkapnya