Nakahalukipkip ang mga kamay ni Arabella sa dibdib niya at salubong ang mga kilay niya. Hindi niya matanggap na kinampihan na naman ni Jasper si Kirsten.“Si Kirsten na lang palagi, si Kirsten na lang palagi!” pagwawala niya sa loob ng office niya. Nagngingitngit ang mga ngipin niya sa inis. Pareho lang naman sila ni Kirsten na nagmula sa mayamang pamilya, maganda rin naman siya, matangkad at sexy at higit sa lahat mas bata pa kay Kirsten.Napapabuga na lang ng hangin si Arabella. Nag-iisip kung sa anong paraan niya ba mapapahiya si Kirsten.“Marj, are you there?” tawag ni Arabella sa secretary niya. Mabilis namang pumasok si Marjorie.“May iuutos ka po ma’am?” tanong ni Marjorie.“Mag-imbestiga ka pa kay Kirsten. Lahat ng tungkol sa nakaraan niya, alamin mo. Kapag makakakuha ka rin ng picture ng ex-boyfriend niya, ibigay mo sa akin. Wala kang iiwan kahit kaunting detalye tungkol sa kaniya.” Maawtoridad na utos ni Arabella.“Yes po ma’am,” sagot naman ng secretary niya saka ito umalis
Read more