Katatapos lang ayusin ni Jasper ang ilang documents sa opisina niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Napakunot agad ang noo niya nang makita ang pangalan ng site supervisor mula sa Tagaytay project. Agad niya namang sinagot ang tawag.“What is it?”“Sir, we have a serious problem here in Tagaytay.” Salubong sa kaniya ng lalaki.“Anong nangyari?”“May issue po sa structural inspection ng west wing. The investors are demanding an emergency meeting tonight.” Mahigpit na napahawak si Jasper sa gilid ng mesa habang nakikinig.“And sir,” nag-atubiling dagdag nito, “we can’t contact Engineer James hanggang ngayon.” Napahilot si Jasper sa sintido niya. Bakit kung kailan may problema sa project niya sa Tagaytay ay nawawala pa si James?“Hindi siya sumipot sa inspection?” tanong ni Jasper, nananatiling kalmado.“No, sir. Hindi rin po siya sumasagot sa calls namin.” Mariing ipinikit ni Jasper ang mga mata niya. Bakit kung kailan siya aalis ay saka naman nagkaroon ng problema sa Tagaytay
Read more