Ang mga taong sawi sa pag-ibig ay sa alak kumakapit! Iyun nga ang kayang gawin ngayun ni Darren. Simula noong dumating sila dito sa rest house, nanghingi siya ng alak at wala na siyang ibang gustong gawin kundi ang uminom nang uminom. Para kahit papaano, maibsan man lang ng kahit na kunti ang sakit ng kalooban na nararamdaman niya. Mula sa kanyang kinauupuan ay natatanaw niya ang matayog na Villa. Gusto niya sana itong puntahan para bawiin si Vanilla sa mga kamay ni Zakari pero hindi niya naman alam kung paano nga ba iyun gagawin.Lalo na at alam niyang hindi siya pinaniniwalaan ni Vanilla Nagtapat na siya kanina. Sinabi niya na ang totoo pero hindi naniniwala si Vanilla sa kanya. Mas pinapaniwalaan nito ang lintik na Zakari na iyun. Kung alam niya lang na mangyayari ito at masaktan siya ng sobra, hindi niya na sana ito ginawa. Sana, hindi nalang niya itinuro si Zakari bilang nobyo ni Vanilla. Wala sana siya sa sitwasyon na ito ngayun. Nagseselos siya at the same time nagagal
Terakhir Diperbarui : 2025-06-30 Baca selengkapnya