Isang chopper ang lumapag sa maputing buhanginan sa Isla na mismong pag-aari ni Zakari. Malungkot na inilibot ni Vanilla ang paningin niya sa kapaligiran bago siya tuluyang sumakay. Alam niya sa sarili niya na ito na ang una at huli niyang makakaapak sa lugar na ito. Alam niya din sa sarili niya na maaring hindi na din sila magkikita pa ulit ni Zakari. Yes...tiyak niyang kapag magising na ito at malaman nitong sumama siya kay Darren, may tendency na kamumuhian siya nito pero ano nga ba ang magagawa niya? Tapos na ang kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Zakari at kailangan niya nang tangapin iyun. "Si Lexi, hindi ba natin siya isasama?" seryosong tanong niya kay Darren habang nakatanaw siya kay Lexi na noon ay nakatayo sa hindi kalayuan sa kanila. Kahit na malayo siya kay Lexi, alam niyang malungkot din ito sa mga nangyari. "Si Lexi ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagkasira kaya simula ngayung araw, iiwasan ko na siya. Regarding sa kanya, siguro, hindi
Last Updated : 2025-07-06 Read more