DEVI POV MABUTI na lang talaga at hindi na kami nagtagal pa sa loob ng palengke. Nang mas lalo pang dumami ang mga tao, wala nang nagawa si Winston kundi ang sundin ang payo ng mga security niya na bumalik na ng sasakyan. At mabuti na lang din at nakinig siya kung hindi, baka mas nauna na akong nagwalk-out Hindi dahil sa nag-iinarte ako kundi, hindi lang talaga ako sanay na maraming mga taong kumukuha ng larawan sa amin At bago kami umarangakada paalis, inuutos na lang ni Winston sa isa sa mga bodyguards niya kung ano pa ang mga dapat bilihin "Ayaw ko nang dumaan sa kahit saan, Winston ha!!. Antok na antok na talaga ako at uuwi na tayo.'" naiinis ko pa ngang wika sa kanya "Okay, uuwi na tayo." sagot din naman niya sa akin. Hindi na ako umimik pa dahil gusto kong ipakita sa kanya na naiinis talaga ako sa kanya dahil sa mga pinanggagawa niya Pero, mahirap pala kapag sobrang tahimik na din ng buong paligid. Dahil sa matinding antok, hIndi ko kasi namalayan na nakatulog pala a
Read more