"Oh, magandang umaga rin," gulat niyang sambit. "Ako nga po pala ang naatasan ni Tiyo Lito na maghatid nitong mga pinamalengkeng stocks," ani ng lalaki at iminuwestra ang ilang bayong na may lamang mga gulay at iba pa. Napatango-tango siya at agad na niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. "Pasok ka," kaswal niyang wika. Ngumiti ito sa kanya bago dinampot ang dalawang bayong. Sinundan niya ng tingin ang bulto ng lalaki habang papasok ito sa loob ng bahay nila. Dahil medyo madilim kagabi, hindi niya masyadong napagmasdan ang mukha ng pamangkin ni Mang Lito at Aling Elsa. Ngayong maliwanag na, napagtanto niyang may itsura din naman pala ang lalaki at matangkad pa. Wala narin ang takot na nakikita niya sa mga mata nito kagabi. Huminga siya ng malalim bago sinubukang dumampot ng isang bayong para sana tumulong pero mabilis siyang pinigilan ni Elmer na nakabalik na pala mula sa kusina. "Ako na po, Ma'am Cyan," anito at dinampot na ang dalawa pang bayong na naiwan nito kanina. "Salamat,"
Huling Na-update : 2025-11-18 Magbasa pa