Matapos manggaling sa condo unit ni Laureen, dumiretso na si Zach sa presinto kung saan nakadetain si Allen. Pagdating niya doon, agad siyang sinalubong ng hepe na siyang mismong may hawak ng kaso para sa lalaki."How was it?" Agaran niyang tanong.Hindi na siya makapaghintay pa na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa asawa niya at hindi siya magiging kampante hangga't hindi napapanagot ang lahat ng may kinalaman sa n nangyari kay Cyan, kahit na sino pa sila!"Naraid na po namin ang lugar kung saan siya nananatili, Mr.Samaniego and this is what we found inside his home," anito at ipinakita sa kanya ang mga pictures ng asawa niya sa iba't-ibang lokasyon.All of it was shot here in the Philippines. May ilan pang bagong kuha kung saan magkakasama silang tatlo. It seemed like he's been following his wife for sometime now."Hindi lang yan Mr.Samaniego, may mga larawan din ni Mrs.Samaniego kung saan nasa runway siya. Sa palagay namin, galing ang mga iyon sa online platforms at magazines kun
Last Updated : 2025-11-11 Read more