Nasa malalim siyang pag-iisip nang marinig niya ang busina ng sasakyan sa labas. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Ilang sandali pa'y lumitaw na sa may pintuan si Zach."Oh, nandyan na pala ang asawa mo. Tumayo ka na diyan at puntahan mo na," aya ng kanyang ina sa kanya."Daddy!" Masayang sigaw ni Zendaya na mula sa balkonahe.Nakangiti namang kinarga ni Zach ang kanyang anak. "Hey, among ginagawa mo ngayon?""Nagplay po ako ng mga dolls ko, Daddy. Aalis na po ba kayo ni Tita Cyan?" Tanong nito."Yup. Magpakabait ka kay Lolo at Lola mo dito, okay?" Masuyo niyang sambit."Okay po. Basta po balik kayo agad ha? Then bring me pasalubong too.""Of course! Daddy will bring you pasalubong later on. Ano bang gusto mo?""Vanilla ice cream po, Daddy.""Vanilla ice cream it is."Lumapit na si Cyan sa kanya at marahan na hinaplos ang likuran ni Zendaya. "Matulog ka mamayang tanghali ha tsaka wag masyadong magbibilad sa araw," masuyo nitong bilin."I will po, Tita. Ingat po kayo," anito at humalik
Huling Na-update : 2025-12-02 Magbasa pa