TBBNHW 73 "Po?" Napamulagat niyang tanong. "You're going to call me now, Mommy at Daddy naman kay Gaston. You are our daughter-in-law, Psyche, so it's normal that you will call us that way from now on," magiliw nitong sagot. "Pero..." "Tama si Mommy, Psyche. Dapat Mommy na ang itawag mo sa kanya since we're going to stay with each other together forever," makahulugan nitong sambit. Sinamaan niya ito ng tingin pero nginitian lang siya ng lalaki. Natutuwa naman si Zenaida habang pinagmamasdan ang dalawa. She knew it! Sina Psyche at Zeus talaga ang nakatadhana at bagay na bagay naman ang dalawa. "C'mon, Psyche. Wag ka ng mahiya. We are family now." Isang pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago tumango. "O—okay po, M—mommy," naasiwa niyang wika. "That's great to hear!" Masigla nitong wika at napapalakpak pa sa ere. Nahihiya man ay wala na siyang nagawa pa. Umabrisyete din sa kanya ang ginang at iginiya siya papunta sa dining table. "Kumain muna tayo bago tayo magkwentuhan
Mehr lesen