Pagod na hinilot-hilot ni Zeus ang kanyang batok. Katatapos lang niyang trabahuhin ang 3D sketch ng panibago niyang project. Isang araw na siyang hindi nakakauwi sa mansion dahil puspusan ang kanyang trabaho lalo pa't balak niyang magleave sa susunod na araw. "Uuwi na po ba kayo, Architect?" Tanong isa sa mga juniors na nagtatrabaho sa kanyang firm. Tipid siyang ngumiti bago tumango. "Yeah. My wife's already waiting for me," masigla niyang sagot. "Grabe, Sir, inlove na inlove parin kayo kay Miss Psyche ano? Wag niyo po sanang mamasamain, Sir, pero hindi po ba kayo nakaramdam ng pagkasawa gayong halos ilang taon na kayong magkasama?" Curious nitong tanong. Ngumuso siya habang nag-iisip. Sa ilang taon nila bilang mag-asawa, hindi pa naman niya naramdaman ang bagay na iyon. Infact, he's still so inlove with her. Hindi nagbago ang pagtingin niya sa asawa niya, whatever shape she has, whatever face she wears, whatever her attitude is. "Hindi pa ako nagsasawa and I will never be," nakan
Read more