"Huh, matigas ang ulo ko pero hindi ako kasing pilya mo sa lalaki." Natatawang buska ni Trisha sa kapatid.Sinamaan ni Arriana ng tingin ang kapatid. Kailangan ba talaga nitong ipaalala na halos pikutin niya si Axel noon?"Mom, mamaya ko na po ipaliwanag sa inyo ang lahat. Ihatid ko muna ang baby boy ko!" Nagmamadaling paalam ni Faredah sa mahinang tinig lamang.Hindi na hinintay ni Faredah ang sagot ng ina. Pagkalapit kay Blake ay hinila na niya ito palayo sa dalawa na para bang may nakakahawang sakit ang mga ito."Hindi mo ba muna ako ipakilala sa kanila?" tanong ni Blake habang nakalingon sa dalawang ginang na mukhang natulala na sa kinatayuan ng mga ito at nakasundo sa kanila ang tingin."Hindi pa ito ang tamang oras upang makilala ka ng mother earth ko.""So siya nga ang mother in-law ko?"Sandali siyang tumigil sa paglalakad at tumingin sa binata. "Nangangain ng taong manloloko ang parents ko, gusto mo pa rin ba silang maging in-laws?""Hindi ako manloloko, baby, ikaw lang."Ini
Terakhir Diperbarui : 2025-07-26 Baca selengkapnya