"Alam ko na hindi ko hawak ang buo mong pagkatao pero alam mo kung ano ang pikaayaw ko sa lalaki. Kung hindi mo magawa ang maging loyal habang nasa pangangalaga ko, then tapusin na natin ang ugnayan na mayroon tayo." Pilit niyang pinatili ang katigasan ng puso at umiwas ng tingin sa binata.Pakiramdam ni Blake ay may sumabog na bomba sa pandinig niya. Umiling siya at hinuli ang isang kamay ng dalaga saka hinawakan iyon ng mahigpit. "No, hindi ako papayag. Sa iyo lang ako, baby! Hindi kita iiwan at lahat ay gagawin ko para sa iyo kahit walang kapalit na kahit ano!"Natigilan si Faredah at napatitig sa binata. Para siyang dinadaya ng sariling paningin nang makitang naluluha ang mga nangungusap nitong mga mata. Napatingin siya sa kamay niyang hawak nito at parang nanginginig din at ang higpit ng hawak nito roon na para bang takot na bitiwan siya."Baby, sorry na. Maniwala ka at sa hindi, ikaw lang ang babaing hinayaan kong makapasok sa puso ko. Ikaw lang ang nakakahawak at halik sa akin.
Terakhir Diperbarui : 2025-08-04 Baca selengkapnya