“MANG Jose, uhm ano…” Saglit na napatingin si Mang Jose kay Tiffany ng magsalita ito maya maya. “Ano yun?” “Ano kasi… nakakahiya pero wala po akong pera. Anong ipapambili ko ng gamit? 1k lang kasi meron ako, nabawasan na ng dalawang daan pamasahe papunta company kanina tapos bumili ako alak kanina. Mahal po pala ang red horse dito 180 isa, naubos na dala ko pong pera.” Napadilat si Seth sa kaniyang narinig habang nakakunot ang noo. “Why did you buy it if it was your last money?” Napalingon si Tiffany sa kaniyang boss ng sabihin niya iyon. “Boss celebration ay celebration kaya kahit last money ko na ay bumili ako. Masaya ako na nanalo tayo sa bidding, hindi ka ba masaya?” Napaiwas ng tingin si Seth sa sinabing iyon ni Tiffany. “Hija, ‘wag kang mag alala sagot ni Seth ang lahat ng gagastusin natin ngayon.” Napatango si Tiffany sa sinabi ni Mang Jose at nagpasalamat kay Seth ngunit tinanguan lang siya nito. Tumahimik nalang muli si Tiffany at naalala na na offend nga pala niya
Last Updated : 2025-07-10 Read more