NANG makababa sila ay naabutan nila si Mang Jose na nag aabang sa labas ng kotse.“Good morning Tiffany,” “Good morning Mang Jose!”Ngumiti ang dalaga ngunit maging si Mang Jose ay napansin ang hindi abot sa tenga na ngiti ni nito. Dahil sa nakita nila kagabi ay naaawa pa ‘rin siya dito magpahanggang ngayon.Sasakay na sana si Tiffany sa front seat ng unahan siya ni Seth doon. “Huh? Boss ako jan!” reklamo nito ngunit pinagbuksan na siya ni Mang Jose ng pinto sa likuran. “Dito ka muna Tiffany,” Nagtataka man ay sumunod nalang si Tiffany at pumasok sa nakabukas ng pintuan. Nagtataka siya sa kinikilos ng mga ito, sa ilang araw niyang secretary ni Seth alam niyang doon ito palagi pumwepesto kaya naiilang siya. Nang umandar ang sasakyan ay hindi na niya napigilan ang sarili na magtanong dito. “Saan tayo pupunta boss? Dapat dito ka nalang naiilang ako e,” Walang nakuhang sagot si Tiffany sa kaniyang boss kaya napanguso nalang siya at sumandal sa kaniyang kinauupuan. ‘Kung ayaw niyo a
Last Updated : 2025-07-10 Read more