SKY'S POV KINAUMAGAHAN ay muli akong sinakay ni Yashvin sa kaniyang sports car upang ihatid sa aking trabaho. Kasalukuyan kaming nasa loob ng iba niya pang sasakyan at tahimik na tinatahak ang daan. Kanina ay nakangiti na si Rhea na animo'y walang nangyaring insidente kahapon at laking pasalamat ko dahil doon. Mabuti na rin 'yon dahil hindi kaya ng konsensya ko ang makita siyang malungkot. Muli kong naalala ang insidente kahapon. Nakakahiya kay Yashvin ang naging asal ni Ate Angelina. Mabuti sana kung nasa sarili kaming bahay. Kaso wala eh, nasa mansyon kami ni Yashvin. Kaya maling mali ang iniasal niya kahapon. Unang una, wala siyang karapatan na gumawa ng eskandalo sa lugar na hindi niya naman pagmamay-ari. Pangalawa at ang pinaka-importante sa lahat, wala siyang karapatang sigaw sigawan si Rhea dahil hindi niya ito pinapalamon. Kung si Yashvin nga na amo nito ay hindi ko minsan nakitang sinigawan sina Rhea, siya pa kayang dayo lang? "P-pasensya ka na talaga sa inasal ni A
Read more