SKY'S POV NAKITA ko ang awa sa kaniyang mga mata. Hindi ko naman intensyon na makaramdam siya ng awa. Sadyang gusto ko lang siguro talagang sabihin ang totoo. Na sobrang bigat na ng pakiramdam ko. "Sorry, Sir. Pasensya na talaga." Tanging nasabi ko pagkatapos ay pinahid ang mga luhang nagbagsakan sa aking pisngi. "No, don't be sorry. You can cry all you want if you think you can't handle things anymore. Care to share what happened?" Aniya. Doon na ako tuluyang bumigay. Napahagulgol na ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Lahat ng galit, pagtataka, pangungulila at lungkot ko ay tuluyang lumabas. Galit sa sarili ko, pagtataka sa inaakto ni Yashvin, pagkatapos ay lungkot at pangungulila ko sa mga magulang ko at kay Yaya Juanita. Sobrang halo halong emosyon ang naramdaman ko ngayon. Parang sasabog ang puso at utak ko sa dami ng nararamdaman at iniisip ko. Naramdaman ko na lang ang paghagod niya sa aking likuran gamit ang kaniyang palad. "Iiyak mo lang hanggang mawala lahat ng ki
続きを読む