Wala na ngang ni isa man ang sumubok pang magsalita. Halata naman na takot silang lahat, kahit si Naomi, na naroon pa rin ang kaba. Sino ba namang hindi matatakot kung pagbantaan ng sesante sa kalagitnaan ng meeting, ano? Takot na lang nila na mawalan ng trabaho.“Ms. Naomi, please proceed with the meeting.” Gulat pang tinignan ni Naomi ang boss niya, seryosong seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya.“Po? Bakit ako? Walang information na ako ang lead ng meeting natin today, Sir.”ani pa ng dalaga.“Conference meeting nga, diba? Ano ba sa pagkakaintindi mo ang conference meeting, Ms. Naomi?”Kinilabutan si Naomi sa tanong na iyon; masyadong malamig ang tono at pakikitungo sa kanya ngayon ni Lemuel, ibang-iba nong nasa loob pa sila ng elevator.“Oo nga, Sir. Conference room to, sa pagkakaalam ko kasi ang conference room ay para sa mga naka-schedule at planadong meetings. Well, maybe pwede sa biglaang meeting, pero bakit parang hindi makatarungan na ako ang papapuntahin mo sa unahan?
Terakhir Diperbarui : 2025-07-14 Baca selengkapnya