Share

My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!
My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!
Author: WavesofIm

UNO

Author: WavesofIm
last update Last Updated: 2025-07-10 23:18:46

“Nasaan ako?” 

Iyon ang unang nasabi ni Naomi ng magising siya sa hindi pamilyar na kwarto.Muli niya pang iginala ang kanyang paningin sa kabuuan nito.

“Shit! What happened last night?” tanong niya muli sa kanyang sarili.

Muli niya pang inalala ang mga nangyari kagabi, mayroong maliit na selebrasyon sa kanilang kompanya at nagka-ayaang uminom ang mga kasamahan niya sa trabaho, at dahil nga hindi naman pala-inom si Naomi dalawang shot pa lang ay passed out na ang dalaga.

“Na passed out ako? Pero sino ang nagdala sa akin dito? Kanino ba ‘tong kwarto?”

Gulong gulo na ang dalaga sa mga oras na ‘yon. Nang akmang tatayo na siya ng maramdaman niya ang sakit sa pagitan ng hita nito.

“Pakshit!” sigaw niya ng maramdaman muli ang hapdi.

Nanginginig pa ang mga kamay niyang pinasadahan ang kabuuan niya. Nanlumo siya ng kahit isang saplot sa katawan ay wala siya.

Pinilit niya pa rin na umupo at iniabot ang damit niya. Napangiwi pa siya ng makita niyang punit punit na ang mga ito.

“Maisusot ko pa ‘to? Langya!”

Kahit nanginginig ang mga kamay niya, nagawa niya pa rin na ihagis ang T-shirt niya.

“Lintik, so anong eksena ko naman dito? Forever hubad? My gosh! Asan ba ang cellphone ko? Don't tell me pati cellphone ko nabasag? Grabeng kapusukan ‘yan, Naomi.”

Iginagala niya muli ang paningin, nagbabakasakali na mahanap ang cellphone niya. 

Ngunit nadapo ang paningin niya sa isang nakatuping damit. Obviously, iniwan ito ng kung sino para talaga kay Naomi. Ika-ika niya itong linapitan.

“Professional suit?” nakangiwi niyang saad.

Sa huli wala siyang nagawa kung hindi isuot ang mamahaling professional suit na iniwan para sa kanya. 

Maganda naman  ang damit swak sa panlasa ni Naomi, at nagustuhan niya rin ito. Sinong hindi magugustuhan ang damit na minsan niya lang maisuot? Kunot noong pinasadahan ni Naomi ang kanyang leeg, ng may mapansin itong marka.

“Shit! Kiss mark? At sinong lalaki naman ang tangang mag-iiwan na nga lang ng marka sa leeg pa talaga!” inis na saad ni Naomi sa harap ng salamin.

Hindi niya alam kung paano niya ito matatakpan. V-neck ang suot niya at lantaran ang leeg niya at dibdib.

Hindi mapangalanan ang inis na nararamdaman ni Naomi habang papalabas siya ng cr, ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas, ay nakita niya ang isang towel na may naka-burdang “Sandoval.” 

“The heck? Sandoval? Lemuel Sandoval? Shit! Our boss? No way! The cold-hearted boss?” hindi makapaniwala na ani ni Naomi sa kanyang sarili.

“Kung si sir Lemuel nga talaga, what a wild cold-hearted boss, huh! How can he hide his real identity? Deserve niya pa ba ang papuri ko na sobrang bait niyang boss kung ganito siya kahalimaw sa kama? Ts, takot niya lang siguro na malaman ng iba na ikinama niya ang nobody woman na gaya ko at empleyado niya pa,” mahabang litanya ni Naomi,”

Nang makapag-ayos na ng sarili si Naomi, ay napagpasyahan niya nang lumabas ng kwarto upang makauwi na. Sandali niya pang snipat ang kabuuan ng kwarto.

Malaki, malaking kwarto ang kinaroroonan niya ngayon. Hindi niya matukoy kung hotel ba ito o ano, masyadong malaki ang suite na kinaroroonan niya. 

Pagbukas niya ng pinto, ay tumambad sa kanya ang napakalawak na sala. Ngayon ay nasisiguro niya nang hindi ito hotel. Bagkos Isa itong condo unit kung saan nakatira ang boss niya.

Ang boss niyang kasalukuyang nasa sofa nakaupo at may nakasukbit na earphone sa tenga nito. May sleeping pillow rin ito sa leeg at may laptop na nakapatong lang sa mga hita niya.

Nakasuot rin ito ng ordinaryong damit na purong black at bagot na bagot tignan ang postura niya.

“Ts, nagawa niya pang ma-bored pagkatapos niya akong paglaruan sa kama kagabi, huh?” napatakip si Naomi ng bibig matapos niyang sabihin iyon, sapagkat siya ring paglingon ng boss niya.

Ramdam niya ang panginginig ng kanyang tuhod ng sipatin ng boss niya ang kabuuan nito at muling ibinalik sa mukha nitong pulang-pula na ang tingin. Malalim ang titig nito sa kaniya.

Si Lemuel Sandoval, ang boss niyang nyebe pa sa nyebe, kung tawagin ng mga katrabaho niya, ay ngayon nasa harapan niya at titig na titig pa.

Bubuka pa lamang ang bibig ni Naomi nang maunahan siya nito magsalita. 

“ I'm in a meeting,” saad nito gamit ang malamig na boses. 

Mabilis na itinikom muli ni Naomi ang kanyang bibig. 

“Come here and have a breakfast,” pag-aya pa sa kanya ng kanyang boss, sabay turo ng kape at sandwich sa dalaga. 

Samantala, habang inaantay ni Lemuel si Naomi na makaupo sa harap niya, ay hindi niya namalayang nasagi nito ng kaunti ang kanyang laptop papunta sa dako ng leeg ng binata, kung saan may pulang marka.

Narinig niya ang sabay sabay na pagsinghap ng mga naroroon sa online executive meeting nito.

Dinapuan ng matinding kaba ang dalaga ng makita niya kung gaano kapula ang leeg ni Lemuel. Napatakip pa ito ng mukha nang mapagtanto niyang ganon siya ka-agresibo ng gabing ‘yon. 

Napapikit pa ang dalaga at hiniling na lamunin nalang siya sa kinatatayuan niya.

“What are you waiting for? Come here and eat this."

Muling natauhan si Naomi at aligagang pumunta sa harap ni Lemuel at umupo. 

“ Mabilisang inom at kain lang ang gagawin ko para makauwi na ako,” patango-tango pang saad ni Naomi sa kanyang isipan.

“Ts, nababaliw ka na ba?” 

“Ha? Hindi, sir. I'm just enjoying a sandwich,” 

“Sandwich my ass! Ni hindi mo pa nga nagalaw yang pagkain mo, what a palusot.” 

“E ano naman? May iniisip lang ako!” depensa muli ni Naomi.

“Whatever, kumain kana.” bagot na sagot sa kanya ng boss niya at muling bumalik sa screen kung saan naroroon parin ang mga ka meeting nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   OTSO

    Wala na ngang ni isa man ang sumubok pang magsalita. Halata naman na takot silang lahat, kahit si Naomi, na naroon pa rin ang kaba. Sino ba namang hindi matatakot kung pagbantaan ng sesante sa kalagitnaan ng meeting, ano? Takot na lang nila na mawalan ng trabaho.“Ms. Naomi, please proceed with the meeting.” Gulat pang tinignan ni Naomi ang boss niya, seryosong seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya.“Po? Bakit ako? Walang information na ako ang lead ng meeting natin today, Sir.”ani pa ng dalaga.“Conference meeting nga, diba? Ano ba sa pagkakaintindi mo ang conference meeting, Ms. Naomi?”Kinilabutan si Naomi sa tanong na iyon; masyadong malamig ang tono at pakikitungo sa kanya ngayon ni Lemuel, ibang-iba nong nasa loob pa sila ng elevator.“Oo nga, Sir. Conference room to, sa pagkakaalam ko kasi ang conference room ay para sa mga naka-schedule at planadong meetings. Well, maybe pwede sa biglaang meeting, pero bakit parang hindi makatarungan na ako ang papapuntahin mo sa unahan?

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   SYETE

    Muling natahimik ang loob ng elevator, pero hindi ang puso ni Naomi. Sino ba naman kasi ang hindi bibilis ang tibok ng puso kung ang lalaking sinukuan mo ng Bataan ay makakatabi mo? Amoy na amoy rin ni Naomi ang pabango ng kanyang boss, at pabango pa lang ay sinampal na agad siya ng kayamanan ng nyebe niyang boss. Ikaw ba naman magkaroon ng pabangong most exclusive perfume ng Clive Christian? Ewan ko nalang.Sa pagkakatanda ni Naomi, no. 1 most expensive perfume ang gamit ng boss niya.“Passant Guardant by Clive Christian,” usal niya pa.“Do you like it?” kunot-noo niyang sinulyapan ng tingin ang boss niya. “Alin, Sir?” takang tanong nito.“My perfume,” sagot naman ng binata. “Lakas naman ng pandinig ng isang 'to,” saad ni Naomi.“Masyado ka kasing malapit sa'kin, now answer my question. Do you like my perfume?” “Hindi, Sir. Masyadong mahal, hindi ko afford.” “How did you know? Maalam ka rin ba pagdating sa perfume?” usyuso ng binata.“Hindi naman masyado, Sir. Pero yung pabango

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   SAIS

    “Good afternoon, we will have a meeting in the conference room building V, that will start in ten minutes,” anunsyo ni Franco sa design department.Napabuntong hininga si Naomi ng marinig 'yon. Hindi niya pa man siya nagsisimulang kumain ay iniwan niya na ito at dali-daling tumungo sa nasabing building. Namataan niya pa ang kanyang kaibigan na nakangiting kumakaway sa dako niya.“Hey, Naomi. Nice clothes," nakangiting bati ni Miren sa kanya.“Thanks. Kasali kayo sa confe meeting?” tanong ng dalaga sa kaibigan nang papasok sa elevator.“Ha? Malamang! Nasa design department ako at designer din ako kagaya mo, lutang ka ba?” nakangiwing tanong ng kaibigan sa kanya.“Oo nga pala. Nakalimutan ko,” natatawang sagot naman ni Naomi sa kaibigan.“Ikaw ha, porket naka-professional suit ka diyan, ganyan ka na sakin. Pati ba ako, kinakalimutan mo na?” Tila nagtatampo na saad sa kanya ni Miren.“Nope. Masyado lang occupied ang utak ko these past few days,” sagot ni Naomi.“Halata nga, always kang l

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   CINCO

    Matapos ang nangyari sa dalawa, ay muling naging normal ang araw ni Naomi hanggang sa dumating ang bakasyon. Ngunit marami rin ang mga taong masisipag magtrabaho sa kumpanya ng mga Sandoval, kabilang na rito si Naomi.Nang araw ding iyon ay hindi pinayagan ni Naomi na ihatid siya ng personal assistant ng boss niya sa apartment; bagkus, nag-taxi na lamang ang dalaga at pumasok sa trabaho. Sapagkat ayaw niyang may iba pang makaalam ng nangyari sa kanila ng boss niyang ubod ng lamig.Maya-maya pa ay nag-ring ang phone ni Naomi.“Nao-” Hindi na pinatapos pa ni Naomi ang nais sabihin ng nasa kabilang linya, bagkus ay pinatayan niya na ito ng tawag. Boses pa lang, kilala niya na ito. Aaron.Si Aaron at Naomi ay limang taon ng magkarelasyon; simula college pa lang, ay sila na.Top student si Naomi noong college siya unibersidad na pinapasukan niya, hanggang sa makilala niya si Aaron na nasa parehong unibersidad rin pala ang pinapasukan ng dalaga. Tatlong taong gulang ang agwat ni Aaron kay

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   KWATRO

    Kasalukuyan na silang nasa loob ng kotse ng maramdaman ni Naomi ang kanina pang pasulyap-sulyap na si Franco. Kahit pa nakatingin si Naomi sa bintana.“Kanina ka pa tingin nang tingin sa’kin, may kailangan ka ba?”Bakas ang gulat sa mukha ni Franco ng sandaling sabihin 'yon ni Naomi.“Ako ba or ikaw?” “Ano?” naguguluhang tanong ni Naomi kay Franco.“C’mon, Naomi. Willing naman akong magkwento kahit sobrang haba, yapper kaya ako.” Napangiwi naman si Naomi nang maging ang pagiging madaldal ni Franco ay ipinagyabang pa nito sa kaniya. Ngunit bigla siyang nagkaroon ng ideya.“Ano bang nangyari kagabi?” panimulang tanong ni Naomi.“Wala kang maalala?” napailing naman ang dalaga. “Masyadong mababa ang alcohol tolerance ko kaya kahit isang shot yan, lasing agad ako,” “Halata nga,” tatango-tangong tugon sa kanya ni Franco.“Nong gabing pauwi na ako, mali bang kotse ang napasukan ko?”“Nadali mo! Future, Mrs. Sandoval!” pang-aasar pa sa kaniya ni Franco na ikinangiwi niya.“Ano bang pinagsa

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   TRES

    Inilibot ni Naomi ang paningin niya sa loob ng kwarto ng sandaling makapasok sila. Malinis na ang kwarto kumpara kanina. Wala nang mababakas na pagyugyugan ng dalawa. Muling tumingin si Naomi kay Mara, na ngayon ay inihahanda na ang mga gagamitin nito. Dinapuan ng kaba si Naomi nang makita niyang may inilabas na panturok ang doktora.“Ito na ba ang katapusan ko? Shit, Naomi! Sinasabi ko naman sa'yo na huwag kang uminom ng alak! Oh my, marami pa akong pangarap, gusto ko rin naman magka-anak. Alam ko naman, Lord, na natupad na ang isa kong kahilingan na makatikim ng sex, pero huwag muna! Gusto ko pa maulit 'yon, wala akong matandaan!” bulong ni Naomi.Umayos siya ng tayo nang makita niyang papalapit sa gawi niya si Mara habang nakangiti.“Maupo ka, wala naman akong ibang gagawin sa’yo maliban sa lalagyan ko ng ointment yang nasa leeg mo, huwag kang matakot,” natatawa na saad sa kanya nito. Nakahinga naman ng maluwag si Naomi. Nagsimula na ngang e-check siya ni Mara. Paminsan-minsan a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status