My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!

My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!

last updateHuling Na-update : 2025-07-14
By:  WavesofIm In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
8Mga Kabanata
18views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Paano kung sa muling pagmulat mo ng mata, ay makikita mo ang boss mong sinasabi nilang mailap sa babae at nyebe kung makitungo ay hinahabol-habol ka na, at kung maka-bakod ay akala mo pag-aari ka!?. Paano kung sa muling pagmulat mo ng mata ay mare-realize mong ang pinaka-iningat-ingatan mong regalo para sa magiging asawa mo ay nakuha na ng nyebe mong boss!?. Siya si Naomi, ang sikat na fashion designer na nag ta-trabaho sa Sandoval Clothing. Linoko siya ng kanyang ex at pinagpalit siya sa best friend niya. Ilang taon durog ang puso ng dalaga at ilang taon rin siyang inantay ng lalaking matagal na siyang nagugustuhan. At kung gaano niya ka-disgusto ang boss niya sa opisina, ay kabaligtaran sa tuwing sila ay nasa kama.

view more

Kabanata 1

UNO

“Nasaan ako?” 

Iyon ang unang nasabi ni Naomi ng magising siya sa hindi pamilyar na kwarto.Muli niya pang iginala ang kanyang paningin sa kabuuan nito.

“Shit! What happened last night?” tanong niya muli sa kanyang sarili.

Muli niya pang inalala ang mga nangyari kagabi, mayroong maliit na selebrasyon sa kanilang kompanya at nagka-ayaang uminom ang mga kasamahan niya sa trabaho, at dahil nga hindi naman pala-inom si Naomi dalawang shot pa lang ay passed out na ang dalaga.

“Na passed out ako? Pero sino ang nagdala sa akin dito? Kanino ba ‘tong kwarto?”

Gulong gulo na ang dalaga sa mga oras na ‘yon. Nang akmang tatayo na siya ng maramdaman niya ang sakit sa pagitan ng hita nito.

“Pakshit!” sigaw niya ng maramdaman muli ang hapdi.

Nanginginig pa ang mga kamay niyang pinasadahan ang kabuuan niya. Nanlumo siya ng kahit isang saplot sa katawan ay wala siya.

Pinilit niya pa rin na umupo at iniabot ang damit niya. Napangiwi pa siya ng makita niyang punit punit na ang mga ito.

“Maisusot ko pa ‘to? Langya!”

Kahit nanginginig ang mga kamay niya, nagawa niya pa rin na ihagis ang T-shirt niya.

“Lintik, so anong eksena ko naman dito? Forever hubad? My gosh! Asan ba ang cellphone ko? Don't tell me pati cellphone ko nabasag? Grabeng kapusukan ‘yan, Naomi.”

Iginagala niya muli ang paningin, nagbabakasakali na mahanap ang cellphone niya. 

Ngunit nadapo ang paningin niya sa isang nakatuping damit. Obviously, iniwan ito ng kung sino para talaga kay Naomi. Ika-ika niya itong linapitan.

“Professional suit?” nakangiwi niyang saad.

Sa huli wala siyang nagawa kung hindi isuot ang mamahaling professional suit na iniwan para sa kanya. 

Maganda naman  ang damit swak sa panlasa ni Naomi, at nagustuhan niya rin ito. Sinong hindi magugustuhan ang damit na minsan niya lang maisuot? Kunot noong pinasadahan ni Naomi ang kanyang leeg, ng may mapansin itong marka.

“Shit! Kiss mark? At sinong lalaki naman ang tangang mag-iiwan na nga lang ng marka sa leeg pa talaga!” inis na saad ni Naomi sa harap ng salamin.

Hindi niya alam kung paano niya ito matatakpan. V-neck ang suot niya at lantaran ang leeg niya at dibdib.

Hindi mapangalanan ang inis na nararamdaman ni Naomi habang papalabas siya ng cr, ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas, ay nakita niya ang isang towel na may naka-burdang “Sandoval.” 

“The heck? Sandoval? Lemuel Sandoval? Shit! Our boss? No way! The cold-hearted boss?” hindi makapaniwala na ani ni Naomi sa kanyang sarili.

“Kung si sir Lemuel nga talaga, what a wild cold-hearted boss, huh! How can he hide his real identity? Deserve niya pa ba ang papuri ko na sobrang bait niyang boss kung ganito siya kahalimaw sa kama? Ts, takot niya lang siguro na malaman ng iba na ikinama niya ang nobody woman na gaya ko at empleyado niya pa,” mahabang litanya ni Naomi,”

Nang makapag-ayos na ng sarili si Naomi, ay napagpasyahan niya nang lumabas ng kwarto upang makauwi na. Sandali niya pang snipat ang kabuuan ng kwarto.

Malaki, malaking kwarto ang kinaroroonan niya ngayon. Hindi niya matukoy kung hotel ba ito o ano, masyadong malaki ang suite na kinaroroonan niya. 

Pagbukas niya ng pinto, ay tumambad sa kanya ang napakalawak na sala. Ngayon ay nasisiguro niya nang hindi ito hotel. Bagkos Isa itong condo unit kung saan nakatira ang boss niya.

Ang boss niyang kasalukuyang nasa sofa nakaupo at may nakasukbit na earphone sa tenga nito. May sleeping pillow rin ito sa leeg at may laptop na nakapatong lang sa mga hita niya.

Nakasuot rin ito ng ordinaryong damit na purong black at bagot na bagot tignan ang postura niya.

“Ts, nagawa niya pang ma-bored pagkatapos niya akong paglaruan sa kama kagabi, huh?” napatakip si Naomi ng bibig matapos niyang sabihin iyon, sapagkat siya ring paglingon ng boss niya.

Ramdam niya ang panginginig ng kanyang tuhod ng sipatin ng boss niya ang kabuuan nito at muling ibinalik sa mukha nitong pulang-pula na ang tingin. Malalim ang titig nito sa kaniya.

Si Lemuel Sandoval, ang boss niyang nyebe pa sa nyebe, kung tawagin ng mga katrabaho niya, ay ngayon nasa harapan niya at titig na titig pa.

Bubuka pa lamang ang bibig ni Naomi nang maunahan siya nito magsalita. 

“ I'm in a meeting,” saad nito gamit ang malamig na boses. 

Mabilis na itinikom muli ni Naomi ang kanyang bibig. 

“Come here and have a breakfast,” pag-aya pa sa kanya ng kanyang boss, sabay turo ng kape at sandwich sa dalaga. 

Samantala, habang inaantay ni Lemuel si Naomi na makaupo sa harap niya, ay hindi niya namalayang nasagi nito ng kaunti ang kanyang laptop papunta sa dako ng leeg ng binata, kung saan may pulang marka.

Narinig niya ang sabay sabay na pagsinghap ng mga naroroon sa online executive meeting nito.

Dinapuan ng matinding kaba ang dalaga ng makita niya kung gaano kapula ang leeg ni Lemuel. Napatakip pa ito ng mukha nang mapagtanto niyang ganon siya ka-agresibo ng gabing ‘yon. 

Napapikit pa ang dalaga at hiniling na lamunin nalang siya sa kinatatayuan niya.

“What are you waiting for? Come here and eat this."

Muling natauhan si Naomi at aligagang pumunta sa harap ni Lemuel at umupo. 

“ Mabilisang inom at kain lang ang gagawin ko para makauwi na ako,” patango-tango pang saad ni Naomi sa kanyang isipan.

“Ts, nababaliw ka na ba?” 

“Ha? Hindi, sir. I'm just enjoying a sandwich,” 

“Sandwich my ass! Ni hindi mo pa nga nagalaw yang pagkain mo, what a palusot.” 

“E ano naman? May iniisip lang ako!” depensa muli ni Naomi.

“Whatever, kumain kana.” bagot na sagot sa kanya ng boss niya at muling bumalik sa screen kung saan naroroon parin ang mga ka meeting nito.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Gio
Bago pa lang ata ito pero ang ganda. makikita mo talaga na sobrang ganda every chapter at Ang galing ng author dahil sa mga dialogues. sana Maraming update🥹
2025-07-17 23:09:52
1
8 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status