AV ➭ 037❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †“Kailangan na ninyo gawin ang trabaho nyo, ang trabaho niyo. Lalo ka na Ásval, ikaw ang pinaka mabigat na misyon dito.” Wika ni Kohen. Nagsimula na muli ang pangangampanya ng mga pulitiko. Ang alam ko, isang pulitiko din ang target ni Ásvaldr-si Arthur na kung hindi ako nagkakamali, kaalyado din ito ni Danilo. “Yabang.” Napalingon ako kay Lilith sa sinambit niya. Mainit talaga ang dugo ng kapatid ko kay Ásvaldr, and I don't know why. Maybe dahil sa paraan ng pananalita niya at kilos niya. Isa pa sa napapansin ko sa kanya, hindi siya nagtatanggal ng mask na parang may tinatago siya sa mukha niya o baka ayaw niya lang na makilala namin siya. “Huwag mo problemahin ‘yun, alam ko ang gagawin ko. Ang mga bata mo ang kausapin mo.” Walang emosyon na sabi ni Ásvaldr. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng isang kilay ni Lieve at Llewela na tila nayayabangan sa asta ni Ásvaldr. Tila hindi rin nagustuhan ni Oshida ang pananalita ni Ásvaldr. “Sa
Huling Na-update : 2025-08-21 Magbasa pa