The Assassin’s Hidden Wife - Chapter 18 LUNA PEARL GUZMAN - HUXLEY ♥ Matapos namin kumain ni Hedeon, kumatok na agad ang secretary niya para sa important meeting nila na si Hedeon mismo ang nag-schedule kaya hindi na niya na ituloy ang balak niya sanang gawin sa ‘kin. Nakahinga ako dun ng maluwag, makakapag pahinga pa ang katawan ko kahit paano pero sigurado ako na hindi niya pa rin yun makakalimutan. Hindi pa rin talaga ako ligtas sa hapdi. Habang nasa meeting ang asawa ko, naisipan ko na muna matulog dahil antok na antok na rin ako. Ilang sandali lang tinangay na ko antok. . . . . . “Magtago ka lang dito, Luna, anak. Kahit anong mangyari at kahit ano pa ang marinig mo, ‘wag na ‘wag ka lalabas dito. Pigilan mo rin ang sarili mo na lumikha ng kahit anong ingay. Iligtas mo ang sarili mo, anak. Mahal ko kayo ng kapatid at mama mo.” “Papa, sino po sila? Bakit may mga dala silang baril? Natatakot po ako, papa.” “Mga assassin sila, anak.” “Assassin? Ano po yun, papa?” “Mga w
続きを読む