AV ➭ 044❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †“Sino ‘yung kausap mo, Love?” Bigla na lang sumulpot si Feitan mula sa likod ko. Mabilis kong pinatay ang cellphone ko matapos ko kausapin ang kapatid kong si Lieve. Siya ang inutusan kong kumuha ng mga importante kong gamit at files sa condo unit ko pag-alis namin ni Feitan. Si Hikaru naman ang mag-track sa akin kung saan man kami pupunta ni Feitan gamit ang gps na nakakabit sa cellphone at hikaw ko. Mag-aabang siya sa akin dala ang sasakyan niya sa paglabas ko para mabilis kaming makalayo. “Ang bunsong kapatid ko lang, Love. Sinabi ko lang na hindi na muna ako makakabisita sa kanila ngayong weekend.” Pagsisinungaling ko. “Sige, next week bisitahin mo sila. Sasama na rin ako, gusto ko makilala ang pamilya mo. Ayos lang ba?” Nakangiti niyang tanong. Ngumiti na lang din ako at tumango kahit alam ko naman na hindi na mangyayari 'yun. “Ikaw ang bahala, Love.” Tanging sagot ko. “I’m excited, Love! Let's go.” Magkahawak-kamay kami na lumabas sa
Last Updated : 2025-09-04 Read more