AV ➭ 061❀❀❀THIRD PERSON’S P O V“Dami mo talaga alam, Damon. Manahimik ka muna diyan sa gilid.” Asar na wika ni Ken. Nailing na lang ang lahat sa biglang pagsulpot ni Damon na para bang hindi siya naka-abala.“Ang kulit talaga.” Naiiling na wika ni Lance. “Let’s continue. Kagaya ng huling sinabi ko, maingat na pagpaplano at paghahanda ang kailangan natin gawin kundi malalagasan tayo ng kasama. I know you are all professionals pero ‘wag pa rin pakampanti.” Makahulugan na sabi ni Lance. Bumalik sa pagiging seryoso ang buong paligid. Dama nila ang bigat ng misyon.“Asvaldr, Storm, Thunder, Lieve, and Fire, kayo ang magkakasama sa first mission- kay Aterus Donomie. Para naman sa KL Lounge, Ken, Damon, Earl, and Ava, Azi. At panghuli, Ashen Veil, Llewela, Hikaru, Kohen, Vladimir, at Ezekiel kayo naman ang para sa underground laboratory. Ang natitirang iba ay may nakalaan na ibang misyon para sa kanila.” Tumukod si Lance sa dulo ng lamesa. “May tanong ba kayo o violent reaction sa mga
Last Updated : 2025-10-19 Read more