“L-Levi, si Kiel… please… si Kiel…” halos hindi na makapag-usap si Selene dahil puro hikbi at hagulgol ang lumalabas sa bibig niya. Nanginginig ang buong katawan niya, para bang may yelo na tumagos hanggang buto. Paulit-ulit niyang hinahabol ang hininga niya pero ayaw talagang kumalma ng dibdib niya.Kanina pa niya sinasabing gusto niyang bumalik doon, gusto niyang habulin ang van, gusto niyang takbuhin kahit buong probinsya. Pero wala, parang unti-unting nalulunod ang utak niya sa panic—sa takot na baka may mangyayaring mas masama kay Kiel.“Selene, hey, hey… look at me,” bulong ni Levi habang marahan niyang hinahaplos ang likod nito. Ramdam niya ang panginginig ni Selene, pati ang bigat ng bawat hingal. “We will find him. Hahanapin natin si Kiel. I promise. Pero kailangan mong huminga muna, please…”Pero lalo lang umiyak si Selene, halos mapahawak na siya sa dibdib ni Levi dahil parang mababagsak na ang tuhod niya.“Kasi… kasi wala pa rin tayo balita… Levi… paano si Kiel? Paano kung
Last Updated : 2025-11-30 Read more