Christine's POV "A-ate na-nakapatay ako? Napatay ko si Celine!" Umiiyak na sabi ng kapatid ko. Ramdam ko ang takot sa boses nito at lalo ang panginginig ng katawan nito. "Shhhhh, kumalma ka muna" Sabi ko at pilit na pinapaharap ito sa akin. "No-no ate na-nakapatay ako! mamatay ako!" Nagpupumiglas ito sa yakap ko at parang batang takot na takot na gustong tumakbo. "Hey, Christy makinig ka muna Kay ate! Kumalma ka muna pinapangako ko sayo hinding hindi ka pababayaan ni ate ha?" Pampakalma na sabi ko. Basang basa na ng luha ang pisngi nito kaya pinahiran ko ito gamit ang palad ko. Kumalma naman ito sa ginawa ko kaya agad na niyakap ko ito. "Shhhh, andito ako okay? Hindi hindi kita iiwanan" Hinahagod ko ang likod nito hanggang sa may naririnig akong mag yapak ng paa. Nilingon ko ito at nakita kong ang mga pulis ito. "A-ate hu-hulihin na ako nila?" Naghehestirikal na sambit nito. Bumalik ang martinding takot nito ng makita ang mga pulis. "Ate wag mo akong ibigay sa kani
Last Updated : 2025-10-02 Read more