Christine's POV 3 years later "Daddy Dave" Rinig kong tawag ng tatlong taong gulang na anak ko Kay kuya Dave. Kasalukuyang nasa dining ako habang ito ay nasa living room at kasama ang Daddy Dave niya. Minamadali ko ang paghugas ng pinag kainan namin dahil pagkatapos nito marami pa akong gagawin. "Mommy.....Jacob bite me" Sumbong na umiiyak ni Jade na naabutan ko. "Ahh.., my princess, kawawa naman ang baby ko, Can mommy see it?????" Sabi ko at kinarga ito. Pinahiran ko ang luha nito at dinala sa couch para umupo kami. Umiiyak pa rin ito kaya niyakap ko ito. "Shhh tahan na big na girl na ikaw diba? he's your younger brother anak at baby pa siya, di niya pa alam na nakakasakit siya okay? kaya tahan na ha?" Sabi ko habang kinakarga pa rin ito. "Nalingat ako kaya di ko namalayan kinagat na pala siya ng kapatid niya" Sabat ni kuya na nasa harapan ko. Pero parehas kaming napalingon dahil umiiyak din si Jacob. Nagpapaawa na magpapakarga din ito sa akin kaya ilalagay ko sana si
Last Updated : 2025-10-11 Read more