Christine's POV "Ma'am di na po ako magtatagal, dito nalang po muna siya, wala na atang pag asang magising dahil sobrang kalasingan niya.Babalikan ko nalang po siya bukas ng umaga. Pasensya na po talaga sa abala." Rinig kong sabi ng kaibigan ni Jake. Kausap nito ang mommy ko habang ako nakatayo lang sa isang tabi at pinagmamasdan ang lasing na lasing na mukha ng Ex husband ko. Parang lantang gulay itong tingnan dahil sa kalasingan. Ang dumi ng puting pulong suot nito at lalo na ang parang nagmatured ng limang taon ang mukha nito. Halatang di na nito na aalagaan ang sarili niya dahil sa mataas na buhok at balbas sa mukha niya. "Anak" Untag na tawag ni mommy habang nanatili pa rin ang mga mata ko sa mukha ni Jake. "Galit ka ba?" Sunod na tanong nito. Binalingan ko ito at nginitian. "Po? hi-hindi, bakit naman ako magagalit?" Agap na tanong ko dito. Hinawakan nito ang kamay ko at tiningnan ng maigi ang mga mata ko na para bang sinusuri nito kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Ti
Last Updated : 2025-10-20 Read more